Just like Hindi pa rin ako makapaniwala. Kaunti na lang ay tuluyan nang magpaparte ang mga labi ko dahil sa nakikita ng mga mata. Kung nagulat o nabigla man siya tulad ko, ang pinagkaiba namin ay mahusay niya iyong naikubli. Walang bakas ng anuman sa mukha niya. He was able to maintain a straight face while lazily eyeing me. Ang mabibigat niyang titig ay tamad lamang na pumasada sa akin. Bago pa 'ko tuluyang kapusin ng hininga dahil sa nakatayo sa harapan ko ay tumalikod na ako. Shit. I was frantically catching my breath. Hindi mabura sa isip ko ang imahe ng katawan niya. I shut my eyes close in embarrassment. Dumilat lang ang mga mata ko nang makarinig ng mga munting tunog ng paghakbang. I stiffened when I felt that it was nearing me. My heart was beating erratically inside my

