Call off Ramdam ko ang agad na pagsunod sakin ni Sky kaya't mas binilisan ko ang takbo. Tuwing mahahablot niya ang braso ko ay agad ko itong winawaksi. Halos gusto kong takpan ang parehong tainga dahil rinig na rinig ko pa rin ang sinasabi ng mga tao. Kahit hanggang sa labas ay bahagya pa ring umaabot ang dagundong mula sa loob. Isang kapit pa ang naramdaman ko sa palapulsuhan bago ako napapikit sa pagod. I shut my eyes closed and my shoulders involuntarily slumped in exhaustion. Pumihit ako para harapin ang taong nakahawak sa kamay ko. Naglalaban ang namumutawing pag-iingat at takot sa mga mata niya. I sighed heavily. Akmang bubuka pa lang ang bibig ko nang matigilan. "Bitiwan mo siya," I stayed still when I recognized the familiar voice. It was River's. I don't know why he's he

