**** Mac's PoV ****
Naiinis akong makita ang mga kaibigan kong may kanya kanyang babaeng katabi hawak dito halik dun naiinis ako antagal ng babae na para sa akin nakakainggit ang mga loko na to..
.
Pero Napatayo ako ng makita ko mula sa salamin na ding ding ng VIP room ang babaeng naka maskara na palapit sa pinto mabilis kong tinungo ang pinto at binuksan sa inis ko at kainggitan sa mga kaibigan ko
.
Agad ko itong hinila papasok sa loob ng kwarto at isinandal sa likod ng pinto pag ka sara ko niyon itinukod ko rin ang dalawang kamay ko sa magkabilan niyang gilid Napatili naman ito at yumuko nakatingin ako rito at iniintay na mag angat siya ng tingin
.
Nang makita kong paangat na ang kanyang ulo ay agad ko itong sinalubong sabay halik sa labi nito.. Tila tumigil ang oras ng mag lapat ang labi namin dalawa ang lambot ng kanyang labi ang pintig ng puso ko ay tila huminto anong mayroon sa babaeng ito?? tanong ko Animo may bolta boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawa..
.
Gulat ang sumagot sa katanungan ko Gulat sa malakas na sampal na ibinigay nito sakin.. Narinig ko pang napa singhap ang mga babae sa likuran ko at tinignan ko nang galit ang babae sa harap ko ngunit lumamlam ang aking ekspresiyon ng makita ang mata niya
.
Kilala ko ba siya?? parang pamilyar siya sa akin bakit kasi bawal niyang alisin ang maskara na yan?. bakit kailangan niyang mag tago sa likod ng maskara na yan??
.
Lumipas na ang mga sandali muntik pang mag walk out ang babae at sinabing ibabalik nalang ang binayad namin pero na kumbinsi ko siyang mag stay dahil tinakot ko siyang ibabalik nya ng sampung beses ng halaga ng binayad namin kung aalis siya.. Wala talagang hindi mabibili ng pera sabi ko pa sa isip ko sabay ngisi..
.
Mabilis na lumipas ang oras bigla akong nailang mag ka tabi kami at walang imik pa naka naka ako ng sulyap sa kanya ngunit hindi na ito tumingin sa akin animo umiiwas..
.
Mabilis na lumipas ang oras at may kumatok na sa pinto at nag salita na tapos na ang oras ng babae at nag paa alam sa amin.. Sumulyap itong muli ngunit Umiwas din agad..
.
Matapos lumabas ng babae ay nag pasyahan kong ubusin muna ang aking inumin bago ako mag paalam sa mga kaibigan ko sila may kanya kanyang babae ako wala?? ano ako scorer ng mga ugok na to?? di na rin ako nag abala pang kumuha ng ibang babae na ba
.
Makalipas ang ilang minuto ay umalis na ako at nag tungo sa parking lot.. Papalapit pa lamang ako sa aking sasakyan kung saan ako nag park nang may makita akong isang pamilyae na muka ng babaeng papasakay ng kanyang sasakyan sa di kalayuan.. Gem?? banggit ko sa pangalan ng aking kasintahan pero agad itong nakapasok sa sasakyan at umalis..
.
Natulala ako siya ba talaga yun?? pero anong ginagawa niya rito?? sa bar ba sya galing?? pero bakit?? ang sabi ni clarisse nag aaral ulit siya?? Gumigimik ba siya??
.
No! No! this can't be hindi siya un nakainom lang ako kaya namamalikmata ako. kastigo ko sa sarili ko.. Tomorrow I'm going to school to find her to meet her just be patient self. sabi ko pa sa sarili ko.
.
Hanggang sa pag uwe ko ay hindi natigil ang pag iisip ko.. Hanggang sa matulog bumabagabag pa rin siya sa aking isipan.. Siya ba talaga ang nakita ko?? o talagang namamalikmata lang ako?? I need to confirm this immediately. huling salita ko bago pa ako lamunin ng antok.
******
.........
**** Gem/ Elle's PoV ****
Nag madali akong umalis ng entablado matapos ang performance ko.. Bakit ganito ang bilis ng t***k ng puso ko.?? Hindi ako nag kakamali si Mac yun.. Yung mga mata niya ilong at labi.. si Mac yun walang duda.
.
Anong ginagawa niya rito?? Hindi niya naman siguro ako nakilala?? Pero yung ngisi niya nung mag ka tinginan kami kakaiba ang dating sa akin jusko lord? Ang puso ko bakit ganito??
.
Sa sobrang pag iisip napa tili ako ng tawagin ako ni mama Rain..
Nak?? (Ay kabayo ka!) Tili ko!
.
Wow gulat na gulat?? kabayo ako??
natatawang tanong pa ni mama rain..
.
Maaa.. Hindi po sa ganun nagulat lang po ako paliwanag ko pa..
.
Ano ba ang nangyayari sayo nak may sakit ka ba?? may pag aalalang tanong nito.. Umiling iling naman ako..
.
Kaya mo ba?? Inaantay kana sa VIP room 005 Nak.. tanong niya pa..
.
Yes maa.. kaya ko po nagulat lang po talaga ako sayo... Sa sobrang kaba hindi na ako nag tanong kung sino ang VIP customer ko ngayon basta nalang ako tumayo at lumakad paakyat kung nasaan ang mga VIP rooms..
.
Nang malapit na ako sa pinto ng room 005 ay nag paka wala muna ako ng hingang malalim at dumeretso akmang kakatok ako ng biglang bumukas ang pinto sa gulat ko ay napatili naman ako..
.
Isinandal ako ng humablot sa akin papasok sa likod ng pinto matapos niya iyon isarado kaya't napayuko ako..
upang makita kung sino ang humablot sa akin ay naisipan kong tumingala ngunit nagulat ako sa sumunod na nangyari..
.
Sinalubong ng mga labi niya ang aking labi at mapusok na hinalikan Kapwa kami na tigalgal hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.. Si Mac to ang mga mata niya nakatitig sakin pero bakit.? bakit niya ako biglang hinalikan??? nakilala niya ba ako??
.
Upang makabawi sa pag ka gulat ay agad akong tumalima at binigyan ito ng isang malakas na sampal.. Nagulat ako ng may marinig na pag singhap sa likod.. May tao?? nanlaki ang mata ko ng makita sina Rose, Jhen at Rhea na ka table ng tatlo pang lalake..
.
Sh*t piping usal ko sabay bumaling ulit ng tingin kay Mac na galit na rin naka tingin sakin " Anong ginagawa mo ha?? galit na tanong ko rito! alam mo bang bawal akong halikan?? "
.
Lumabag ka sa patakaran ng pag table sa akin! baguhan kaba rito?? galit na tanong ko pa.. Nakita ko naman na nag si tayo ang tatlong lalaki at hinawakan si mac at iginaya paupo
.
Nakita ko itong nag angat ng tingin habang nakaupo "I'm So sorry Miss I didn't mean to do that I was just Carried away kanina pa ako naiinis dahil ang tagal mo ako lang walang ka pares dito" naka ngisi pang saad nito..
.
Aba't gago pala to eh piping usal ko.. " Alam mo sir.. Aalis nalang ako at ikukuha kita ng ibang babae mo sa baba hindi nito pala kayang intindihin ang simpleng rules ko tapos ngayon mag so sorry kayo."
.
Uh ohh.. miss you can't leave me we pay for your service dipa man ito tapos sa sinasabi ay agad ko itong pinutol..
then I'll pay for it ipababalik ko ang binayad niyo kasama ng tip sa manager! galit na usal ko..
.
Ok! I will Accept your payment but ten times of our payment.. Mayabang na sabi pa nito.. What?!! sigaw na tanong ko rito.. so if you can't provide then stay..
napakuyom ako ng kamay at napapikit napaka yabang mo na at naiinis ako sayo piping usal ko..
.
Fine! I will stay but promise me na hindi mauulit ang ginawa mo!! ang kapal ng muka na mag demand ikaw na nga tong nang halik! jusme naman ang halik niya na yun parang may humaplos sa aking puso..
.
Settle then come sit here turo pa nito sa katabing upuan niya.. Padabog naman akong nag tungo sa upuan at umupo.. Inabot ko ang baso ng alak at agad itong tinunga hindi ko alam kung bakit pero naiiinis ako..
.
Hiniwakan naman ni Rose ang kamay ko sabay bulong Elle baka malasing ka dahan dahan paalala nito agad akong nahimasmasan at nag baba ng tingin panaka naka akong tumitingin kay mac sana hindi niya ako nakilala..
.
Napapa rami na rin ang inom nila at ako ito huminto sa pag inom.. May mga bagay na itinanong ang mga kaibigan ni mac pero siya ay nanatili g tahimik hindi ko na rin siya pinansin pa..
.
Hanggang sa makarinig ako ng tatlong katok sa pinto agad akong napangisi "Ms. Elle Time's Up" Mababang boses na sabi ng nasa labas ng pinto.. Nakaisip naman ako ng kalokohan bago tumayo..
.
Inilapit ko ang bibig ko sa tainga ni Mac Sabay bulong "Good bye Mr. Pervert" malanding usal ko rito.. nakita ko naman nag tagis ang kanyang bagang ng tuluyan na akong tumayo..
.
Nag paalam na ako sa lahat ng nasa kwarto at nag pa salamat nakilala ko sina Kade, Lucas at Josh mga kaibigan ni Mac pag tapos mag paalam ay nag tungo ako sa pinto muli ko pang nilingon si Mac na galit na naka tingin sa akin at nag iwan ng ngising nakakaloko bago tuluyang lumabas ng kwarto..
.
Pag ka labas ko ng kwarto ay napa buntong hininga ako at mabilis na lumakad pa tungo ng dressing room..
Gosh buti at sa tingin ko ay hindi niya ako nakilala.. sh*t hinalikan nya ako usal ko habang nasa tapat ako ng salamin dito sa dressing room at naka hawak sa aking labi..
.
Mabilis akong nag linis ng katawan at nag bura ng make up.. tamang pulbo at lip tint ang ipinalit ko sa kanina na make up ko naka suot na rin ako ng maong pants at isang hoodie jacket.
.
Lumabas na ako ng dressing room at nag tungo sa office ni mama rain para kunin ang tip ngayon gabi at mag paalam na rin..
.
Mabilis akong nag lakad patungo sa parking lot at sumakay sa aking sasakyan wala na akong maskara baka makita ko pa si Mac sa paligid malintikan pa..
....