**** Gem's PoV ****
Alas dos ng hapon dumating sina Emy at Mhads nasa byahe na kami ngayon papunta sa clinic sa bayan para mag pa tingin.. Hindi na sila nag tagal sa tindahan namin mas excited pa ata kesa sa akin ang dalawa na ito..
.
Sinabi nila sa akin na pag ka tapos kong manganak sila mag tatrabaho kasabay ko.. Talaga nga naman mga bruha ayaw mag trabaho gusto kasabay ako.. Alam kong kahit hindi sila mag trabaho ay hindi sila mamumulubi mga mayayaman kasi ang kanilang pamilya..
.
Napaka swerte ko dahil mayroon akong kaibigan na kagaya niya.. Alam nyo na ba?? tanong kong bigla sakanila habang nasa byahe.. si emy ang nag da drive at nasa tabi nito si mhads ako naman dito sa likod..
.
Ang alin?? sabay nilang tanong pag ka tapos nilang mag ka tinginan.. Napanood ko yung balita kaninang umaga sagot ko sa mga ito..
.
OMG! Gem wag mong isipin yun.. we're here for you and for our inaanak kaya wala kang dapat pang alalahanin tyaka ang lakas lakas ng business mo pati yung taniman nila tito at tita hindi kayo magugutom.. mahabang sabi ni Mhads..
.
Oo naman kakayanin ko kasama kayo nagulat lang ako sa balita syempre inisip ko kung isang araw paano kung mag tanong ang baby ko kung nasan ang papa niya?? ano ang sasabihin ko. malungkot na ani ko sa dalawa..
.
Pero kahit na ganoon alam kong maiintindihan niya ako at isa pa natatakot ako na baka kapag sinabi ko sakanya na buntis ako at siya ang ama ay itanggi niya dahil nandidiri sa aking yun akala niya kung sino sino na ang dumaan na lalaki sakin kahit alam niya na siya ang nakauna at huli na naka galaw sa akin.. Hindi ko din naman siya masisisi sa bar ako nag tatrabaho yun talaga ang iisipin niya..
.
My Ghad Gem! stop that we're here let's go baka mahaba ang pila pag putol ni emy sa ka dramahan ko.. Agad namin tinunho ang clinic sumalubong samin ang isang babaeng naka blue na terno ng uniporme "Good afternoon po ano po ang sa atin?? " bati at tanong nito. Ahh miss mag papa tingin ang kaibigan namin buntis siya po turo sa akin ni mhads..
.
Ok po ma'am upo po muna kayo tapos paki fill up an po lahat ng may check tapos bigay niyo na po sa akin.. sabay abot nito ng isang papel na may naka sulat at ball pen.. Matapos mag fill up ay inabot ko na iyon sa babae nurse pala siya rito sa clinic..
.
Ok ma'am sama po kayo sakin timbangin ko lang po kayo at i bp.. sumunod ako dito matapos ang lahat tinawag niya ako at sinabi na pwede na akong pumasok sa sa loob ng isang kwarto sumama sa loob si mhads at emy hindi naman sila pinag bawalan..
.
Ahm.. Ms. Gea Merielle Soriano right?? tanong sa akin ng doctor tumango naman ako..
.
Bye the way I'm Clerisa Bustamante ako ang Obgyne rito sabay abot niya ng kamay sa akin..
.
Inabot ko ito at nag salita Nice meeting you po doc habang nakangiti..
.
Nice meeting you too napaka ganda mo naman.. Higa kana turo nito sa isang kama sa gilid na may mga kung ano anong aparato sa tabi nito..
.
Nang makahiga ay ini angat niya ang aking damit at may inilagay na malapot na bagay bago inilagay ang hawak niya na parang mic haha..
.
Ohhhh.. Usal ni doc ng ilagay niya ang bagay na iyon sa aking puson at pinaikit ikot..
.
Naririnig mo ba misis? tanong nito sa akin.. nangunot naman ang aking noo ang alin po.? Congratulations may tatlong heart beat sa iyong tiyan meaning to say malakas ang possibility na hindi lang kambal ang anak mo kundi triplets sagot nito na ikina bigla ko..
.
Napa lingon ako kila emy at mhads na halatang gulat na gulat at saya sa kanilang mga muka.. Oh my ghaddd!! biglang tili ni mhads sabay napa takip ng bibig..
.
Bali sa ngayon dipa natin ma sure kung triplets nga sila dahil mag ka patong ang mag kambal at the same time maliit pa sila dahil mag 12weeks palang sila pero next balik mo rito after a month ma figure out na natin dahil malaki na sila nun naka ngiting ani ni doc..
.
Gulat man ay nagawa ko pa rin maging normal may mga inireseta sa akin na vitamins at gatas para maging healthy ang mga babies ko.. na turukan na rin ako ni doc kailangan ko daw mag ingat at wag masyadong kumain ng nakakataba hanggat maaari para hindi ako mahirapan kapag lumaki sila sa aking tiyan..
.
Sinabi rin ni doc na bihira ang mag normal delivery kapag triplets ang baby depende daw sa laki ng bata kung kayang i normal or i Cs kapag hindi.. Kailangan kong kumayod ng sobra dahil kambal pala ang anak ko..
.
Matapos namin mag pa check up ay dinala ako ni emy at mhads sa mall dahil ililibre raw nila sa akin ang vitamins at gatas ko sa loob ng siyam na buwan hati na raw sila.. hindi na ako tumanggi pa dahil hindi rin naman sila papayag at isa pa ngayon pa lang mag uumpisa na akong mag ipon ng mas malaki kumpara sa iniipon ko..
.
Napadaan kami sa isang fast food restaurant tumingin ako sa dalawa ng maamoy ko ang humahalimuyak na amoy ng pritong manok.. Ngumuso ako sa mga ito tanda na gustong kumain..
.
Nag ka tinginan naman ang dalawa at sabay na ngumiti sa akin at tumango tanda na payah sila.. Kahit libre ko na sabi ko pa..
No! Libre ko na sa mga inaanak ko to mukang takam na takam ang mga baby's mo sa tyan sabi ni mhads..
Salamat sabi ko rito sabay akap sa dalawa..
.
Hay naku! gem halika na at baka mawala pa ang cravings mo.. basta andito lang kami hanggat kaya namin ah?? sagot namab ni emy..
.
Matapos mag order ay nag umpisa na kaming kumain sarap na sarap ako sa pritong manok pati nga ang manok ni mhads ay binigay na nya sakin mag fries and burger nalang daw sya..
.
Grabe si papa Mac mo gem sharp shooter masyado naka tatlo agad napaubo naman ako sa tinuran ni mhads.. Agad akong inabutan ng tubig ni emy.. dahan dahan gem naka ngising sabi ni emy..
.
Sino ba naman ang di masasamid sa sinasabi mo mhads.. sabi ko rito habang natatawa pa sila.. kung sa bagay sabi mo hindi lang kayo naka isa dimo na nga mabilang diba?? baka kaya kayo naka three points agad.. tumatawang saad naman ni emy..
.
Kayo talaga tama na nga ang pang aasar niyo sakin sige kayo mawawalan ako ng gana. diko makakain itong burger ko at fries pag lilihis ko sa usapan.. hindi ako komportable na pag usapan iyon dahil nalulungkot lang ako at naaalala ko si Mac..
.
Ok! ok! hihinto na kami kumain kana at mag iikot ikot pa tayo bago umuwe.. Matapos ang Isang oras natapos na kaming kumain busog na busog ako at parang dina ako makatayo sa kabusugan..
.
Ilang oras pa kaming nag ikot ikot sa mall bago namin napag pasyahan na umuwe na sa bahay.. Pag ka dating namin sa bahay ay dumeretso kami sa aking kwarto hinatid lang nila emy at mhads ang aming mga binili at nag aya na bumaba rin..
.
Pano yan Gem mauna na kami alam mo naman ang sabi namin aalis lang kami at babalik din.. babalik kami rito next month para kasama mo kami sa check up mo.. Mag iingat ka palagi at tawag ka lang samin if anything happens ok?? paalala pa ng dalawa..
.
Tumango ako sa kanila at nag pasalamat bago ko sila niyakap.. Hpmmmp.. napaka swerte ko talaga sainyong dalawa.. hayaan nyo makaka bawe din ako sainyo sabi ko pa sa dalawa bago ito bitawan..
.
Nang makasakay na sila sa kotse ay kumaway ako sakanila and I mouthed Thank you bago umandar ang kotse na sinasakyan nila tumango lang ang dalawa at ngumiti. Ingat kayo.. sigaw ko pa..
.
Nang hindi ko na natatanaw ang kanilang sasakyan ay pumasok na ako sa loob ng bahay upang mag bihis.. plano ko pumunta sa tindahan pag ka tapos kong ayusin ang pinamili ng dalawang kaibigan ko sa akin..
.
Mga vitamins na ilang kahon ay idinisplay ko sa aking kwarto kasama ang mga gatas na talagang siniguro nilang supply hanggang sa manganak ako.. bumaba naman ako dahil naroon ang iba pang mga pag kain na binili nila.. Cereals at mga prutas..
.
Matapos kong mag ayos ay umakyat na ako sa aking silid at naligo.. Maliit pa ang umbok sa aking tiyan pero halata na ito.. matapos maligo ay gumayak na ako papunta sa bayan.. sumakay ako ng trycicle papunta sa tindahan..
.
Masaya akong pumasok sa loob ng tindahan.. Ati tawag ni maria sa akin nginitian ko lang ito.
.
Ohh.. gem anak na riyan kana pala asan ang mga kaibigan mo bati ni mama sa akin..
.
ahhh ma.. umuwe na po dahil baka gabihin daw sila sa daan at sa susunod na raw sila makikitulog rito..
.
Kamusta pala ang check up mo anak?? ok ka naman ba?? kayo ng apo ko?? tanong naman ni papa..
.
Ahhhm.. Ma.. pa.. Mga apo po.. kambal po ang anak ko I mean Triplets po nakayuko kong sabi sakanila.. nagulat ako ng biglang mag lulundag si mama at maria sa tuwa..
.
Naku po! Salamat sa Diyos binigyan tayo ng triplets.. masayang ani ni mama si papa naman ay hinimas ang aking likod..
.
Mag paka tatag ka lang anak ah.. narito lang kami ng mama mo at kailangan mong pag handaan yang tatlong nasa tiyan mo..
.
Wag mo sana mama samain anak wala ka bang planong ipaalam sa tatay nila ang tungkol diyan?? dagdag pa ni papa..
.
Pa kapapanood ko lang po sa kanina naka engaged na po siya at ayoko po ng gulo.. kakayanin naman po natin kahit tayo lang diba?? hindi nyo naman po ako iiwanan diba?? paliwanag ko kay papa..
.
Tumango naman ito at nag salita ikaw ang bahala anak ang sa akin lang ay darating ang panahon na mag hahanap sila ng kanilang ama at isa pa ay karapatan pa rin ng lalaki na yun ang malaman na mag kaka anak na siya sa iyo.. pero gayun pa man rerespetuhin ko ang desisyon mo at andito lang kami laging naka suporta sayo..
.
Mahabang turan ni papa bago ako niyakap at hinalikan sa aking buhok.. lumapit naman si mama at naki akap na rin.. Wag ka mag alala anak hinding hindi ka namin iiwanan ha? pakatatag ka lang ang mag ingat dahil maselan ang pag bubuntis sa tatlo.. Salamat po maa.. paa..
.
Sge ma dun muna po ako sa counter kasi may coxomputin lang po ako paalam ko sa kanila.. Ohh sya sige anak mag aayos na din kami ng mga stocks.. oo nga pala anak may mga ibinaba na bagong strawberry ang kuya mo galing sa taniman kumuha ka na bago mairepack lahat ni maria..
.
Ay ma.. napaka rami pong binili nina emy at mhads sa akin na prutas at lahat ng mga ni reseta binili na nila.. Naka ngiti kong sagot kay mama..
.
Napaka swerte mo talagang tunay sa dalawang iyon anak.. hindi man lamang ako naka pag pasalamat.. naka ngiting ani ni mama..
.
Alam na po nila yun ma.. Dito na po ako ma.. mag ko compute lang po ako ma.. Naka ngiti kong paalam sa kanila bago bumalik sa kanya kanya namin ginagawa..