**** Gem's PoV ****
Matapos kong makausap si mama rain ay napag pasyahan kong mag laba at mag linis ng buong apartment para kahit umalis ako bukas ay mananatili itong malinis kapag bumalik ako..
.
Nang matapos ako mag linis agad akong naligo upang ma preskuhan.. may ilang oras pa ako bago pumasok sa bistro mag papahinga muna ako.. matapos maligo ay nahiga muna ako.. hindi ko namalayan na hinila na pala ako ng antok..
.
Naalimpungatan ako sa tunog ng aking alarm.. agad ko itong ipinatay ay gumayak na.. matapos maligo ay binuhat ko na ang bag ko at pumunta sa parking lot..
.
Pag ka sakay ko sa kotse ko tumunog ang cellphone ko.. Si Mac tumatawag.. napag pasyahan kong wag muna ito sagutin dahil baka pumunta pa siya dito at hindi pa ako makapasok sa huling gabi ko sa bistro..
.
Agad kong pinasibad ang aking sasakyan papunta sa Bistro Ulan.. Ilang minuto lang nasa parking lot na ako ng bistro at agad na bumaba at dumeretso sa employees entrance sa likod..
.
Pag ka rating ko sa dressing room agad akong nag ayos.. Matapos kong mag ayos ay nag bihis na ako.. sinipat ko ang sarili ko sa full length Mirror huling sayaw ko na ito makaka ahon na ako at mag uumpisa sa pani bagong yugto ng buhay ko.. Ang buhay na matagal ko nang inaasam sambit ko pa bago ulit umupo para mag hintay ng aking turn.
.
Habang Nag iintay ay dumating ang isa sa mga co dancer ko sa club.. Si Rina naka tayo ito sa aking lukuran kitang kita ko ang repleksyon niya sa salamin.. Nakatingin ito sa akin na may pang uuyam..
.
Matagal nang may galit sa akin Si Rina o mas tamang sabihin na Inggit dahil pakiramdam niya ay pinapaboran ako lagi ni mama rain lagi siyang kontra sa mga gusto ni mama rain.. madalas nga nag piprisinta pa siya kapag wala ako pero isa sa mga kaibigan ko ang pinapalit ni mama rain..
.
So may pa early retirement ang paboritong anak ni Mama Rain.. Untag nito habang naka tingin sa repleksyon namin sa salamin..
.
Ahm.. Ayoko ng away rina alam mo naman kung hanggang kailan lang ako dito.. Napa aga lang dahil maaga natapos ang skwela..
.
Tss.. tss.. tss.. ang advance mo naman mag isip Elle hindi ako makikipag away sayo.. masaya nga ako kasi mawawala kana sa bistro at ako ang papalit sayo.. mapang uyam na ani nito..
.
Napangisi ako bago mag salita.. Well congratulations in advance Rina pero parang ang alam ko kasi ako mismo ang mamimili kung sino ang gusto kong pumalit sa aking pwesto right??
.
Nakita kong umigting ang kanyang panga.. Hindi pa tayo tapos elle hindi ako papayag na umalis ka rito ng walang magandang remembrance.. Naka ngising sambit nito sabay talikod..
.
Hindi ko na siya pinansin at agad na tumutok sa harap ng salamin.. Alam ko naman na hindi niya ako magagalaw rito pwera nalang kung gusto niya na mawalan ng trabaho..
.
Matapos ang ilang minutong pag iintay pumasok si mama rain sa dressing room..
Nak! Ikaw na ang kasunod.. Malungkot na ani ni mama rain..
.
Opo ma.. walang sabi sabi ay inakap ko ito sabay sabi.. Wag kana Malungkot ma.. hindi naman ako mawawala kahit hindi na ako mag tatrabaho dito mananatili mo parin akong anak at kapag nakakapag trabaho na ako mag dadala ako ng maraming customer dito na mga ka trabaho ko.. mahabang lintanya ko rito..
.
Salamat nak! ikaw na lang pamilyang naiwan sakin alam mo naman yun.. basta kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako hihintayin ko ang pag babalik mo bilang isang ganap na flight stewardess.. nakangiting ani nito..
.
Ikaw ang nag silbing magulang ko rito sa maynila at gusto ko naroon ka sa araw ng graduation ko ma.. sabay ngumiti ako rito..
.
Oo naman nak.. pupunta ako makakaasa ka.. ohh siya nagiging emosyonal na tayo halika na at ikaw na ang kasunod..
.
Tumango naman ako at isinuot na ang aking maskara.. sabay kaming lumabas ng dressing room at nag tungo na ako sa likod ng stage..
.
Habang nasa likod ako ng stage nag aantay ng aking turn naramdaman ko na parang kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit.. ganun pa man hindi ko nalang ito inisip baka makagulo pa sa performance ko.
.
Ilang sandali pa ay tinawag na ako agad akong lumabas sa stage.. sumalubong sa akin ang malakas na hiyawan at mga nakatayong lalaki..
.
Agad kong inumpisahan ang aking pag sayaw nang marinig ko ang tugtog nag umpisa na rin mag hagis ng mga pera sa aking paanan napatingin ako sa gitnang bahagi ng bar ang VIP couch para akong natuklaw ng sawa ng makita ko ang pag titig sa akin ng nasakaupo sa gitna..
.
Mac! sambit ko pa...Upang hindi mahalata agad kong inilihis ang aking paningin at ipinag patuloy ang aking pag indak.. Bigla akong naalarma ng maramdaman ko ang pag luwag ng aking maskara..
.
Sh*t bakit lumuwag shocks anong gagawin ko narito pa naman si Mac.. agad akong umikot habang umiindak nagulat ako ng makita ko sa gilid si Rina naka ngisi ito.. Malamang siya ang may kagagawan nito..
.
Nag patuloy ako sa pag indak ng biglang pumitik ang garter ng aking maskara bahagya itong lumihis nakita ang kalahati ng aking muka agad ko naman itong nahawakan at patuloy na umindak..
.
Hawak hawak ko ang aking maskara upang hindi ito mahulog nakita ko si mama rain.. naramdaman niya siguro na parang may mali kaya't umakyat ito sa stage may dalang mic..
.
Ladies and Gentlemen pukaw ni ni mama rain sa atensyon ng lahat.. agad itong lumapit sa akin at inayos ang aking maskara nang maayos niya nag patuloy ito sa pag sasalita..
.
Tonight I would like to inform you all the retirement of Ms. Elle tonight will be her last night on dancing here in bistro ulan.. malungkot na sabi ni mama rain..
.
Narinig ko ang mga bulong bulungan ng mga tao.. Biglang may sumigaw sa gilid.. Face Reveal naman Ms. Elle last night mo naman na.. sinabayan pa ito ng hiyawan ng ibang customer..
.
Pasensya na po kayo sagot naman agad ni mama rain.. Alam nyo pa na off limits iyan kay Ms. Elle ipagpapatuloy nya ang kanya dance number para sainyo.. Maraming salamat po sa pag tangkilik kay Ms. Elle sa loob ng ilang taon. the stage is yours anak.. bulong pa ni mama rain sa akin.
.
Nag patuloy ang musika at ang aking pag sayaw.. mas dumami ang mga naghahagis ng pera.. Nang malapit nang matapos ang aking dance number naalala kong muli si Mac.. tumingin ako sa gawi niya ngunit wala na siya..
.
Matapos ang dance number ko ay nag tungo na ako sa dressing room ko naabutan ko si Rina na naka upo sa aking upuan at naka ngisi pa sa akin..
.
Swerte ka parin talaga at naroon si mama rain.. sayang hind nakita ang buo mong muka.. tss.. tss.. tss.. by the way bagay sa akin ang pwesto ko nanguuyam na sabi pa nito..
.
Ngumisi ako rito.. Rina.. rina.. rina.. hindi ka pa rin talaga nag babago paalis nalang ako naiingit ka pa rin.. sa tingin mo ba ikaw ang pipiliin kong kpalit ko matapos ng ginawa mo?? naka ngisi kong sabi rito..
.
Umigting ang kanyang panga sabay sabi.. Well kahit sino pa ang piliin mo wala akong pake dahil ako parin ang papalit sayo sa ayaw at sa gusto mo..
.
Lumapit ito sa akin "Kapag hindi ako ang pinili mo ilalabas ko sa social media ang tunay mong anyo" pag babanta pa nito sa akin..
.
Gawin mo nang mawalan ka ng trabaho.. nagulat ako ng mag salita si mama rain na kanina pa pala nasa gilid at nakikinig sa amin..
.
Ah.. mama rain hindi po yun totoo siya po ang nauna kaya ko nasabi yun.. pag tangi pa ni rina..
.
Elle anak pumunta kana sa VIP room 005 next ang ang Room 004 ako na bahala rito.. pukaw ni mama rain sa akin..
.
Tumango ako rito at lumakad.. salamat po ma.. mauna na po ako.. binalingan ko ng tingin si rina nanlilisik ang mga mata nito sa akin..
.
Tuluyan na akong lumabas at umakyat sa VIP floor.. tinungo ko ang room 005 nang nasa tapat na akong pinto kumatok ako bago pinihit ang sedura ng pinto..
.
Nang makapasok ako nag taka ako walang tao.. Nilingon ko ang kabilang gilid ngunit walang tao maya maya bumukas ang pinto kaya't napatingin ako duon..
.
Nakita ko ang nagbabagang mata ni Mac.. hindi ko alam kung bakit pero mukang nakita niya ako kanina.. nagulat ako nang lumapit ito sa akin at hinaklit ang aking braso..
.
So.. dito ka pala nag tatrabaho.. nakangisi ito sa akin..
.
O-of course I'm Ms. E-elle nabubulol bulol pa ako sa pag sagot..
.
Ha ha ha.. mapang uyam na tawa ni mac.. stop playing around gem.. I saw you! galit na sambit nito..
.
Agad akong tumingala sinalubong ko ang tingin niya.. M-mac.. P-paano mo nalaman??
.
Nakita kita kanina kahit kalahati lang ng muka mo ang nakita ko alam kong ikaw yan.. So ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong mag kabalikan tayo??
Gem I have money millions, billions..
magkano ba ang gusto mo?? ibibigay ko sayo.. mapang uyam na sabi nito sa akin..
.
Nanliit ako sa sarili ko.. agad tumulo ang mga luha sa aking mata.. yumuko ako at nag salita.. Mac kailangan ko itong pasukin para kay papa pero tapos na huling sayaw ko na ito..
.
Biglang humigpit ang pag kaka hawak niya sakin.. Hindi ito ang tamang paraan Gem maraming mas maayos na trabaho.. hindi kaba nandidiri sa ginagawa mo.? sumasayaw ka ng halos hubot hubad sa harap ng maraming kalalakihan.. ilang lalaki naba ang humawak sayo?? ilalang lalaki naba ang dumaan diyan sa-...
.
Hindi ko na siya pinatapos at ginawara ko ito ng isang malakas na sampal!! Wala kang karapatan na husgahan ako Mac!! unang una sa lahat alam mo ba na halos tatlong taon na ako sa trabaho ko at alam mo sa sarili mo na ikaw ang naka una sa akin!
.
Pangalawa naka hide ang tunay kong pag katao rito at hindi ako nag papa hawak kung kanino.. ikaw lang ang customer ko na biglang nanghahalik! at
.
pang huli! ginawa ko ito para makapag patuloy ako ng pag aaral at maipagamot si papa! kung hindi mo ako tanggap at ang naging trabaho ko na ito Hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo!
agad ko itong tinalikuran at lumabas ng kwarto dumeretso ako sa katabing kwarto alam kong naroon ang mga kaibigan ko..
.
Nagulat ang dalawang kaibigan ko ng makita akong dere dretso na pumasok sa loob ng vip room nila.. umupo ako at tinakpan ang aking muka at nag umpisang umiyak!
.
Sh*t Gem.. anong nangyari tanong ni Mhads.. Hey! Gem! si Emy at bigla nila akong ni yakap.. umiyak ako ng umiyak habang akap sila.. nang makahuma ako tumingin ako sa dalawa..
.
Alam na ni Mac na dito ako nag tatrabaho mahinang usal ko sa dalawa.. Ano?? Paano?? sabay na sabi ng dalawa.. Nakita niya ako kanina nung mahulog ang maskara ko habang nag sasayaw.. malungkot na saad ko sa dalawa..
.
Pano na yan Gem?? tanong ni Emy sa akin.. Wala na akong magagawa mamayang madaling araw aalis na tayo uuwe na ako sa baguio mas importante sa akin si papa.. Sabay naman akong niyakap ng dalawang kaibigan ko..