"to keep you safe" Halos manginig ako sa lamig ng pumasok kami sa Loob ng kotse ni Lance. Basang basa kami pareho sa ulan. Hinawakan nya ang noo at leeg ko at halos mapamura siya alam kong mainit ako . Dahil bago pa ako magpaulan ay masama na talaga ang pakiramdam ko. Napatitig pa siya sa puting uniform ko na bumabakat na ang suot kong panloob. Feeling ko nagblush ako. Kahit pulang pula naman talaga ako sa init na nararamdaman ko. Maya maya ay may inabot sya sa likuran ng kotse niya. Sumuksok naman ako sa gilid at nagsimulang manginig sa lamaig. Hindi ko na ata makakayanan ang lamig at kaunti nalang magyeyelo na ko. Naramdaman ko ang paghina ng Aircon sa Loob ng kotse ni Lance kasabay ng pagtakip sa akin ng mainit na bagay. "Nathalie wear this first, lalo kang magkakasakit kung pa

