_______________________________
••••GLEXIS POV••••
"Sir sir! Gising na po! Mala-late na po kayo!"
Unti-unti kong ibinuka ang dalawang mata ko. Paglingon ko sa gilid ko ay nakita ko ang kasambahay namin. Teka...paano siya nakapasok sa kuwarto ko?
Agad naman akong bumangon. At dito ko nakitang nandito pala ako sa sala, nakatulog sa sofa. Ah oo nga pala! Nakatulog ako kagabi kakahintay kay mommy!
"Sir mala-late na po kayo sa school niyo" muling saad ng kasambahay.
"Manang nasaan si mommy? Umuwi ba siya? Bakit ngayon niyo lang ako ginising?"
"Si maam po Sir?? Hindi po siya umuwi"
'Imposible!'
"Wala ba siyang text sa inyo?"
Kinuha ko naman agad ang phone ko para tingnan. At nagulat na lamang ako dahil may text ni mommy mga bandang 8 kagabi, saktong papauwi na ako ng mga oras na yun.
|| Good evening my only son! Hays alam kong diyan ka na naman matutulog sa condo mo. Pero please minsan sa bahay ka na lang anak, walang ka-tao tao dun. Mga kasambahay lang. By the way, hindi ako makakauwi ngayong gabi, pero malapit naman day off ko kaya bonding tayo ha? Maaga kang matulog. Good night! ||
'Pero diba tumawag siya kagabi at sinabing makakauwi siya? Kung di siya yun e di sino? Ka-boses pa niya'
« FAST FORWARD »
Kasalukuyan naglalakad kaming lima ngayon dito sa hallway papuntang library. Sakto namang nakita namin yung teacher namin na kakalabas lang sa library.
Huminto ito at hinarangan pa ang daan namin kaya napahinto na lamang din kami. Isang ngisi naman ang masisilayan ngayon sa labi niya.
"Saan kayo pupunta ha? Sa library? Para mag-aral?"
"May problema po ba Sir?" pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko sa matandang ito.
"Wala naman. Good luck!" at isang ngiting pang- kontrabida. Dumaan pa talaga ito sa gitna namin.
Tiningnan lang namin siya hanggang sa makalayo- layo ito.
"Mabuti na lang talaga naging magkaibigan tayo dahil baka ano na naman ang gagawin niya sa inyo katulad ng dati"
Tama si Jio.
"Pasalamat siya malaki respeto ko sa matatanda. Kung di talaga, noon ko pa yan nasapak!" saad ni Arki.
"Bakit ba ang matandang gurang na yan ang ginawang head teacher dito sa school na ito Dre? Sobrang mapangahas!"
"Hindi ko alam. O baka magkatulad lang din sila ng ugali ng may-ari... Tara na nga!"
Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad at inalis na sa isipan ang tandang yun.
"By the way mga dre, may practice pala kami ng basketball ngayon nakalimutan ko lang hehe"
"Practice? Malapit na finals ah?" reaksiyon ko sa sinabi ni Mei.
"Madali lang ito. Pupuntahan ko na lang kayo mamaya. Bye!" kumaway pa siya at umalis na nga.
"Bili muna ako snacks natin? Kakapagod din kaya mag-aral" sabat ni Nuz.
"Anong nakakapagod? Sabihin mo lang walang laman yang utak mo!"
Ayan na naman ang dalawa.
"Shhh shhh" pigil ko "Baka kung saan naman yan mapunta. Bumili ka na dun Nuz. Sumama ka na din Arki dahil alam kong matakaw ka"
"May alaga kasi ako eh" humawak pa ito sa tiyan niya. Napatawa na lamang kaming dalawa ni Jio.
« FAST FORWARD »
**********************
"Mommy laro lang po ako sa labas!" paalam ng isang bata sa kaniyang ina.
"Basta mag-iingat ka at huwag kang lalayo!"
"Yes po mommy!"
Tumakbo naman ang bata sa labas ng bahay nila. Medyo may kalayuan na siya sa kanilang bahay ng napahinto ito dahil nakita na naman niya ang babae na nakita niya nung nakaraang araw.
Nagtaka na lamang ang mukha niya dahil nakita niya itong may kausap at nagtatawanan pa, pero wala namang kausap ang babae. Nilapitan na lang niyo ito dahil tutal malapit na din naman siya.
"Hi!" masiglang bati ni Glexis.
Nagulat naman ang babae sa biglaang pagsulpot niya.
"Hi ulit! Sino ang kausap mo?"
Humakbang naman ang isa ang babae, natatakot ito. "Sino ka? Bakit mo'ko kinakausap? Lumayo ka!"
"Gusto ko lang naman makipag- kaibigan sayo. Wala kasi akong kalaro eh. Sino pala ang kausap mo?"
"Mga kaibigan ko"
"Huh? Pero wala ka namang kausap eh–"
"Kailangan ko nang bumalik sa loob! Paparating na sila!"
************
Gumising ako mula sa panaginip na namang iyon.
Napatingin ako sa paligid. 'Bakit madilim?' Tumingin ako sa labas. 'Gabi na?? Huh?? Ni hindi man lang ako ginising ng mga kaibigan ko?? Patay talaga yun sa akin! Panigurado akong sa mga oras na ito ay nakauwi na din ang mga yun'
Iniligpit ko na ang mga gamit ko dahil uuwi na ako. Tapos ay naglakad na ako patungong pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may narinig akong isang nahulog na libro.
'Sino yun?'
"Hello?! May ibang tao po ba diyan?"
Hinanap ko na lang kung saan yung nahulog na libro. Hanggang sa nakita ko na nga ito dito sa dulo.
'Baka hangin lang yun kanina pero wala namang hangin dito eh. Nakasirado nga ang lahat ng bintana'
Pinulot ko naman ito. At medyo nagulat at napaatras pa ako pagkabasa sa pamagat ng librong ito.
"Tagu- taguan. Kwentong Pambata"
'Seriously? May ganitong libro sa library'ng ito?'
Ibinalik ko na lang ito sa bookshelf pagkatapos ay naglakad na papuntang pinto ng napahinto na naman ako dahil sa....
"Psst!"
"Psst!"
Malaki- laki ang library na ito kaya pakiramdam ko talaga may iba pang tao dito.
"Pssst!" ayan na naman yung sitsit gaya lang nung narinig ko sa kumbento.
Patuloy pa din siya sa pagsitsit at hahakbang na sana ako para hanapin ng napatigil ako dahil sa nakitang hinding-hindi kapaniwala. Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang bagsakan ng mga libro. Nagsibagsakan sila na hindi ko naman alam kung sino ang may gawa!
Nakaramdam na ako ng takot at kilabot kaya tumakbo na ako papuntang pinto. May narinig na din akong tawa ng...ngunit binalewala ko na lang ito.
"Bumukas ka! Bumukas ka!" pilit ko mang binubuksan ang pinto pero hindi talaga siya mabukas. Hindi din naman nakasirado.
'Lintek na buhay!'
.
.
.
—Itutuloy......