SEB & TRIXIE.. Ellaina's POV... Nang makabalik kami sa Mondejar University. Ay nagtaka ako ng di kami sa resthouse tumuloy. Kundi sa villa na nasa gitna ng gubat. Pamilyar sa akin ang lugar na yon. Maraming ala-alang pilit nagsusumiksik sa akin. Pero diko naman matandaan. Isang matandang babae ang sumalubong samin . Si Yaya Meding na sabi ni Jarred ay yaya ko daw nung bata pa ako.ito ang paminsan- minsang naglilinis ng villa pero sa dorm daw ito talaga naka -base. Kaya si Magi nalang ang ipinilit ko kay Jarred na maging maid don, naiilang kase ako sa titig ng matanda kahit sabihin pang maid ko sya non. At least kay Magi ay sanay na ako. Pagkadating namin ay nagpahinga lang saglit si Jarred at pumunta na ulit ito sa school, may problema daw sa ridding club kaya nagmamadali itong pumunta.

