TRAVIS'S OUT, ANGELO'S IN...... Ellaina's POV.... Naging masaya ang mga sumunod na araw, tuluyan akong nakalimot sa sakit ng pagkawala ni Travis. Hindi na talaga ito nagpakita pa, kahit si Seb ay di alam kung nasaan ang lalaki. Si Adam ay nawala rin sa MU. Inisip kong baka hinahanap nya si Travis. Naging busy ako sa klase. Kailangan ko kaseng humabol dahil sa mga absentses ko. Kung di marahil kay Jarred ay nasabon na ako ng prof. Nang magpunta kaming lahat sa science room ay naroon sila Angelo, kasama ng mga doctor's student. Nginitian nya ako at ginantihan ko yon kahit nakakailang, kakaiba kase syang tumingin nitong mga nakaraang araw. Ewan ko pero nararamdaman ko yon. Pinagaralan namin sa silid na yon ang heart at lungs. As in totoong bahagi ng katawan at para akong masusuka haba

