WE'LL BOTH DIE...... Azzerdon's POV..... Nanghihina na ako sa tinamong tama ng b***l sa may hita ko sa taas. Sa nanlalabo kong mata habang akay nila Raiko at Bobbie ay nakita kong dumating ang mga tao ni Jacob. Natakot ako para sa kaligtasan naming lahat. "Dalian nyo, maaabutan nila tayo, " sigaw ko sa mga kasama kahit nanghihina ako sa paglalakad. Kung matatagalan ang laban na to ay baka malumpo ako o maubusan ng dugo. "Saan ba yun?" Nalilitong tanong ni Sebastian, hawak nito sa kamay si Trixie na kontrolado pa rin ng formula. Si Imarie ay alalay naman nila Mat at Alec. Mabuti nalang at walang masamang nangyari dito. Pero sila Ayesha at Trina ay katulad din ni Trixie na tulala kasama namin. Ako na ang kusang humawi sa mga baging at ligaw na damong nakaharang sa pinto ng lihim na

