COLD WIFE..... Jarred's POV.... Dapat handa na ako sa reaksyong iyon ni Ellaina.. Inaasahan ko na yon . Sumugal ako kahit alam kong maari nya akong kamuhian kapag nakaalala na sya. Pinakasalan ko parin sya dahil mahal na mahal ko sya . Pero sobrang sakit pala. Akala ko mahal pa rin nya ako. Umasa akong ako parin ang mahal nya pero sa mga narinig ko ay tila matagal na yong nawala sa puso ni Ellaina dahil sa mga nangyari noon. Ibig lang bang sabihin non na si Travis na ang mahal nya? Di ko mapigilang manikip ang dibdib. Kasabay non ang luhang pinipigilan kong pumatak muli pero nabigo ako. "Jarred, wag ka munang mag-drama dyan anak, mas importante ang sasabihin ko!" Lapit sakin ni Julio. Matalim ko syang tiningnan. Anong klaseng ama to? Sobrang sakit na nga ng nararamdaman ng anak nya

