ANNULMENT.... Ellaina's POV..... Matiim kong pinagmamasdan ang seryosong mukha ni Joven habang kaharap ko sya sa mahabang mesa sa kusina ng mataas na bahay na yon. Naiirita ako dito, ano na namang pina-plano ng abnoy na to at nagpapanggap na patay na sa lahat. Ni hindi ko tuloy magawang kumain ng mga inihandang putahe ng katiwala nya doon. "Joven bakit ka nagpanggap na patay kana? Ikaw ba ang nakita ko non sa kwarto ni Imarie?" Asik kong tanong sa lalaki . Kalmado ang mukha nya ng tumingin sa akin. "Hindi ka parin nagbabago Ellaina, hilig mo paring magmatapang. May dahilan ako kung bakit ko ginagawa to" sabi nya. "Ano naman? Hoy Joven malaman ko lang na may binabalak ka na naman sa amin, papatayin na talaga kita, bakit ka pumayag na bilhin ko ang kalahati ng isla mo ha?" Inis kong tan

