CHAPTER 15: HINDI inaasahan ni Erania na makita sa party ang mag asawang Corpuz. Lumapit siya dito at humalik sa pisngi. "Magandang gabi po." aniya at tipid na nginitian ang mag asawa. Wala si Gabriel ngayon dahil may kausap itong isang business partner galing sa Italy. "Good to see you iha mukhang ayos naman ang iyong trabaho." ani ng lalaki at sumulyap kay Gabriel na seryosong nakikipag usap sa malayo. "Ginagawa ko lang po ito para kay Ara. Kamusta na po pala siya?" Tanong niya nagkatingin naman ang mag asawa bago siya sagutin ng ginang. "Ayos lang naman iha. Nasa maayos naman siyang kalagayan kaya huwag kang mag alala." anito at bahagya pang tinapik ang kaniyang balikat. "Wag ka mag alalaa iha malapit ng matapos ang trabaho mo." ani ng matanda kaya naningkit ang kaniyang mata. "

