CHAPTER 3

1128 Words
Chapter 3: NAGISING si Erania sa hindi pamilyar na kwarto, kaagad siyang nabalot ng takot. Napabalikwas siya ng upo at maya-maya'y natawa na lang siya sa sarili dahil nakalimutan niyang nasa bahay nga pala siya ng kapatid niya at ng asawa nito. Oh right! Hindi siya si Era, siya nga pala si Ara. Nabuntonghinga siya't bumangon, komportable naman ang kanyang tulog. At first, she thought that they will be in one room but when she went up last night the door was locked. Kaya naisip niyang ayaw talaga makatabi ng lalake na iyon ang kapatid niya, pwes ayaw rin niya! Hindi tuloy niya maiwasan maisip na parang gano'n na talaga ang set-up ng dalawa noon pa man. Then she looked for other room ayaw naman kasi niya sa sala matulog dahil paniguradong hindi rin siya makakatulog doon at tama nga ang hinala niya nang pasukin niya ang isang kwarto katabi ng kwarto nito ay nandoon ang mga damit ng kapatid niya. So hindi nagtatabi ang kapatid niya at asawa nito? For what? Ano ba kasing nangyari sa dalawa't parang galit na galit si Gabriel sa kapatid niya. Nang matapos siyang maligo ay pumili siya ng susuotin para makababa na. "Ano ba itong mga 'to? Hindi kaya nilalamig si Arania rito?" komento niya ng buksan ang closet ng kapatid. Puro sando at shorts ang nandoon at mga mamahaling dress na sa hinuha niya ay hindi niya maiisip na magsuot ng ganoong kamahal. Baka katihin siya kapag nagsuot ng mga ganyan damit at mas kampante siya maluluwag na damit para malaya siyang makagalaw. She can't go out with sleeveless, nagsusuot lamang siya noon tuwing gabi pangtulog pagsobrang inet lalo't walang madaming electrifan sa bahay ampunan. Napabuntonghininga na lang siya at pinili ang pinaka pasado sa kanyang panlasa na damit. She choose a white plain shirt and cotton short. Tutal siya lang naman ang nasa bahay dahil base sa binasa niyang report ay laging wala ang asawa ng kapatid lalo't abala ito sa trabaho. Siguradong nakaalis na `yon, baka umalis din `yon kagabi at hindi lang niya namalayan. Bumaba si Erania para maghanda ng agahan niya nagpaplano siya kung anong gagawin buong araw. She need to ask Paul about what's her twin sister routine everyday. Dapat alam niya ang galaw nito. Hindi siya pwedeng pumalpak sa pagpapangap hangga't hindi pa gumigising ang kapatid. Nangako siya rito noong nakita niya ito na gagawin niya lahat hanggang magising ang kapatid. Kumakanta habang kumekembot pa ang balakang ni Erania habang nagluluto ng fried rice, bacon, hotdog at fried egg. Hindi kase siya sanay na hindi magkanin sa umaga. Laging heavy meal siya sa umaga dahil para sakaniya para kahit hindi siya makakain ng tanghali ay hindi siya gaano magutom. NAPAKUNOT ang noo ni Gabriel nang pagdating niya sa bahay at papunta sa kusina para uminom ng tubig ay nakarinig siya ng kumakanta. Say, boy, let's not talk too much Grab on my waist and put that body on me Come on now, follow my lead Come, come on now, follow my lead He stilled. He saw his wife swaying her hips in the beat of the music she sang. She looks like happy and energetic while dancing and cooking at the same time. Bumaba ang kaniyang paningin sa pang-upo nitong natatakpang ng malaking tshirt at short. That's new, when did his wife wore that kind of clothes? Eh, kahit nasa bahay ito ay naka-dress ito o kaya nakasando. Pinilig niya ang ulo sa mga naiisip, Why the heck he's thinking about this liar woman? Wala na siyang paki rito kaya kahit mag-tambling pa ito habang nagluluto ay wala na siyang paki dapat. "When did you learned how to cook?" Hindi na niya napigilan magtanong. Gulat naman napalingon si Erania sa kaniya at halatang hindi siya nito inaasahan makita, kumunot ang kanyang noo dahil kumabog ang dibdib niya nang magtama ang kanilang mata. What the hell? GUMUHIT ang hiya sa mukha ni Erania, She danced infront of her twin's husband. Great! That's okay, it's okay! Pagpapalubag loob niya sa sarili at paulit-ulit iniisip kung ano nga bang tanong ng asawa ng kapatid niya. "I can cook, napanuod ko sa TV." She lied. Hindi nga siya palanood ng tv. Lagi siyang nakatambay sa kusina ng bahay-ampunan noon kaya naman natuturo na rin siya. Tinuturuan din naman sila roon ng mga gawain bagay lalo't isa na siya sa mga matatanda roon. Pantastikong tumingin sa kanya si Gabriel, hindi niya alam kung nang-uuyam ba ito o ano. Pumunta ang lalaki sa ref at kumuha ng tubig kaya naman nagkaroon siya ng magkakataon na titigan ang malapad na likod nito. He's sweating. Doon niya lang napansin na nakapang-jogging ito at halata mong kakauwi lang galing sa mahabang takbuhan. Bakit nga ba nandito ang lalaki? Scam pala si Paul! Ang sabi ni Paul ay hindi ito nag-i-istay sa bahay lalo't pag nandito ang kapatid niya, kaya anong nangyari? "Wala ka bang pasok sa office mo?" hindi niya maiwasan magtanong kahit pa nga sinusungitan siya nito. Nagsimula siyang maghain para sa kanilang dalawa, paniguradong hindi pa ito kumakain. "Why you asked?" sikmat ng lalaki sa malamig na boses bago tumungga ng tubig habang taimtim na nakatingin sa kaniya animong sinusuri ang laman ng isip niya. "Because I want to know?" patanong na sagot ni Erania habang naglagay ng lutong ulam sa mesa. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang asawa ng kapatid, kung paano ito pakikisamahan ay hindi niya alam. She don't know what's her twin sister attitude now. Matagal na ang panahon na nagkasama sila paniguradong madami ng nagbago. Napakurap-kurap siya nang makitang aalis na sa kusina si Gabriel kaya mabilis niyang tinawag ang atensyon nito. "Love!" kusang lumabas iyon sa bibig niya. Ano nga bang tawagan ng kapatid niya at asawa nito? Gabriel stopped pero hindi ito humarap sakaniya. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa nasabe niya. What if honey or sweetheart pala ang tawagan ng mga ito? "Uh-m kumain kana muna bago ka umalis." pinilit niyang magsalita kahit sobra na ang kabog ng dibdib niya. Napakunot ang noo at salubong ang kilay ng asawa na humarap sa kaniya. Sinalubong niya ang tingin nito, mata sa mata. Kitang-kita niyang galit sa mata nito. May nasabi ba siyang masama? Oh! Baka babe dapat? "Stop acting that you fùcking care! Wag kang mag kunwaring parang may pakielam ka sakin dahil matagal na akong sumuko sayo Arania. Matagal na!" malamig na anito bago umalis. Napaigtad siya malakas na sigaw ng lalaki, narinig na lang niya ang malakas na pagsara nito ng pinto ng kwarto. She looked at the food before letting a loud sighed. She thought that this is easy, pretending to be her sister is easy magkamukang magkamuka sila. But blaming you for someone's fault iyon ang mahirap. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD