"Nung una pa lang alam ko ng may kapangyarihan ka" sabi ni Greco. Sa room kami tumambay na dalawa, wala naman kasing klase at tao dun.
"Paano mo naman nalaman?"
"Di ko kasi magamit sayo yung kapangyarihan ko, kaya ganun."
"Hmmm. Ako rin eh, ang dami kong di nababasang isip"
"Hehe, ganun talaga. Ako rin marami eh."
"Eh si Laurence? O Matteo nababasa mo ba?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya at humindi.
Ano ibig sabihin nun? Meron din silang dalawa? Ano naman papel nilang dalawa sa buhay ni Greco para di niya rin mabasa naiisip niya.
"Nako, akala ko di pwedeng mangyari to" sabi niya.
"Oo, sabi rin saken bawal to eh"
"Well, apparently, pwede hehe."
Nagkwentuhan pa kami about sa story niya, mas matagal na siyang may kapangyarihan saken.
Feeling ko rin may iba siyang di sinasabi saken, pero naiintindihan ko naman.
"Kanina pa may tumatawag sa phone mo ah? Di mo ba kakausapin yan?" Tanong ni Greco.
Di ko naman kasi napapansin na tumatawag pala si Matteo.
Sinagot ko muna yun.
"Hoy Ju, nasan ka ba, kanina pa kita tinatawagan ah?"
"Nasa room lang ako! Maka hoy ka naman"
"Haha, sorry na. Sige puntahan kita diyan, wala ka naman kasama diba?"
"Kasama ko si Greco" sabi ko.
"Ano ba yan, kasama mo na naman yang payatot na yan!"
"Hala grabe ka naman!"
Buti na lang di naririnig ni Greco pinaguusapan namen.
"Saken ka sumama, kain tayo! Libre kita!" Sabi niya.
"We, promise? Kaso si Laurence pala makikipagkita saken"
"Mamaya na ang landi, saken ka muna!"
Buti na lang di na ako masyadong naapektuhan sa sinabi niyang yun. Ayokong masaktan sa bestfriend ko kaya di na ako umaasa sakanya.
"Sige, puntahan mo ko rito sa room"
"Nako, pa chix ka talaga. Sige papunta na ako!"
Binaba na niya yung tawag tapos nag usap na uli kami ni Greco.
"I wish I can read his mind too, di ko rin alam kung bakit di ko mabasa isip ni Matteo eh" biglang sabi ni Greco.
"Nako, ang hirap pala pag may nakakaalam ng totoo kong feelings"
"Haha, don't worry, saten saten lang"
"Dapat lang, kasi nakakahiya talaga ahha. Inlove ako sa bestfriend ko"
"Nah, di nakakahiya yan. Normal yan hehe."
"Pero bakit pati si Laurence, di mo nababasa?"
"I really don't know. Normally kapag di ko nababasa naiisip nila, wala na lang akong paki."
"You're not even curious?"
"Well, medyo pero sa case ni Matteo at Laurence, not really. I'm not interested"
"Don't try to read my mind Julian, I can sense na binabasa mo iniisip ko" sabi niya sa isip niya.
"Ang daya, nakokontrol mo na isip mo eh!" Sabi ko.
"Haha, darating ka rin diyan, for the mean time, enjoyin mo yan. Naglevel up yang kapangyarihan mo, try mo lang hanapin kung saan banda" sabi niya.
Di pa ako nakasagot, narinig ko ng bumukas yung pinto ng room at pumasok su Matteo.
Maangas kasi talaga datingan ni Matteo, kaya bad boy yung look niya.
"Ju, tara na!" Sabi niya.
"Okay ka lang ba rito?" Sabi ko kay Greco.,
"Oo, wag kang mag alala, magkikita pa kami ni Tracy maya maya" sabi niya.
"Sige pala" sabi ko.
"Ingat kayo. Matteo, ingat kayo" sabi ni Greco.
"Sige payat!" Sagot ni Matteo.
Tumawa lang si Greco.
"Hoy, grabe ka!" Sigaw ko sakanya.
"okay lang yan, mag tropa na kami niyan diba pre?" Sabi ni Matteo.
"Hehe oo. Sige," sabi ni Greco.
Inakbayan na uli ako ni Matteo palabas. Ano ba to, ang bango bango ni Matteo habang naglalakad kami.
+++++++
Pumunta kami ng SM Manila at nilibre niya akong kumain sa Chatime.
"Nagpadala kasi ng pera si Kuya, saken na diniretso. Sabi niya libre daw kita" sabi ni Matteo.
Parehas kaming naka uniform ng all white.
"Nako, buti pa Kuya mo!"
"Oo na tumahimik ka na, ohh..." naglabas siya ng phone niya at nagpicture kami. "Picture daw tayo sabi ni Kuya. Send ko sakanya" sabi niya.
Siguro naka 10 picture kaming dalawa dun, at sinend niya lahat sa Kuya niya.
"Haha, ang gwapo mo Ju kapag nakangiti, ayaw mo ba talaga maging lalaki? Pwede pa naman eh. Mahahabol pa yan!" Sabi niya
"Nako, naiinlove ka na ata saken" biro ko.
"Hahaha, nangangarap ka na naman diyan haha. Dali na, gawin kitang lalaki gusto mo?"
"Ano ba? Akala mo sa isang iglap mawawala kabaklaan ko ganun?"
"Haha, sayang kasi kagwapuhan mo eh"
Ano bang gwapo saken. Mas maliit ako kay Matteo kaya naaakbayan niya ako. Medyo matangos lang ilong ko, di naman ako tigyawatin pero di smooth mukha ko. Mapula lang labi ko, pero ang pinaka asset ko talaga yung pilik mata ko na mahaba.
"Tigilan mo ko, bakit ako mag aadjust sayo? Ikaw na lang magpaka bakla!" Sabi ko.
"Haha kung magiging bakla ako, gusto ko ikaw lang makakatuluyan ko" sabi niya.
Sht, nagsisimula na naman si Matteo sa mga paasa lines niya.
"Eh wala ka naman kasing matres, di mo ko mabibigyan ng anak. Haha"
Biglang bawi.
"Tigilan mo na nga ako sa ganyang salita mo" sabi ko sakanya.
"Haha, sorry Ju."
Medyo natahimik kaming dalawa, habang kumakain ako ng Nachos.
"Nagtext si Laurence saken, tinatanong kung magkasama tayo." Biglang sabi ni Matteo.
"Bakit saken hindi nagtext?"
"Tignan mo kaya phone mo, kanina ka pa saken nakatingin eh" sabi niya.
Di ko na pinansin yung pang aasar ni Matteo, at nakita ko na lang na ang dami ng text ni Laurence saken.
"Boss?"
"Busy?"
"School na ako, saan ka na?"
"Walang klase, huhu. Nasaan ka?"
Kanina pa pala siya nagtetext, di ko napansin.
"Oh, pupuntahan mo ba siya?" Tanong ni Matteo saken.
"Kung okay lang sayo,"
"Sus, wala naman akong magagawa haha. Sige na puntahan mo na, second option mo lang naman ako"
"Tse, nagdrama ka na naman! Hahaha"
"Haha, sige na Ju. O kaya papuntahin mo na lang siya rito"
"Sige pala"
Tinext ko na lang si Laurence na pumunta na rito sa Chatime. Umoo naman siya.
"Hoy, ikwento mo na saken kung sino si Justin!" Bigla kong sabi sakanya.
"Paano mo ba siya nakilala?"
"Eh biglang lumapit saken sa gym kahapon, tapos tinanong kung kilala kita. Tapos ayun, kilala mo daw siya"
"Haha chismoso ka talaga!" Sabi niya pa.
"Dali na, kwento mo na. Curious ako, haha"
Tumingin lang siya saken habang umiinom ng inumin niya.
"Naalala mo nung kinwento ko sayo na kaibigan ko na nagkagusto saken?"
"Ay s**t, siya yun?!"
"Hindi, siya yung kapatid" sabi niya.
"Ay, akala ko siya na"
"Shunga neto ni Ju, oo siya yun! Jusko, kailangan mo pang itanong"
Nag pipilosopo na naman si Matteo kausap.
"Seryoso kasi" sabi ko.
"Hehe, sorry. Kasi ganito yun, close friend ko rin siya nung high school, parang kayo lang. Kaso bigla siyang nagtapat saken na may gusto siya....."
Natigil siya bigla sa pagkwento.
"Tapos ayun, bigla na lang akong nailang sakanya. Ayoko kasi ng ganun, kaibigan lang naman kami tapos biglang magkakagusto siya."
"Baka naman kasi pinaasa mo? O binigyan mo ng motibo?" Sabi ko.
"Hala, kung ano ako sayo ngayon, ganun din ako sakanya, sa tingin mo may motibo akong binibigay"
Jusko, kahit sino maiinlove sayo Matteo. Inlove nga ako sayo eh kaso mas lalo kong pipigilan dahil sa mga sinasabi mo saken.
"Ang sweet mo kasi, tapos ang sincere mo. Tapos pogi ka pa, baka di kinaya hahaha" biro ko.
"Eh bakit ikaw? Di ka nainlove saken?" Iba yung tono ng boses niya nung sinabi niya yun.
Tinignan niya akong mabuti sa mga mata ko. Sht, seryoso tong si Matteo. As in.
"Ahhhh..."
"Di nga Ju, di ka ba nainlove saken?" Sabi niya.
Sht, oo Matteo. Mahal kita, kaso ayokong masira pagkakaibigan natin!
"Wag ka ngang feeling diyan, akala mo naman...."
"Seryoso ako Julian," di niya pinatapos yung sinasabi ko.
Ano ba to, ang bilis mag shift ng mood ni Matteo.
"Bakit ba ganyan tanong...."
"Sagutin mo lang, nainlove ka ba saken? O inlove ka saken ngayon?"
Sht, Matteo. Stop! Di ko kaya, baka bumigay ako sayo.
"Julian!" Alam kong seryoso siya, dahil Julian tawag niya saken.
"Bakit ba kasi ganyan ka ngayon?"
"May gusto ka ba saken o wala?!" Pangungulit niya.
"Wala!" Sabi ko sakanya.
Natahimik siya nung sinabi kong wala. Tapos bumalik siya sa pagkain at pag inom.
"Good, hahaha. Bestfriend mo lang ako ha? Mas tatagal tayo sa ganung set up eh" bigla niyang sinabi.
Sht, buti nalang nakapag timpi ako kay Matteo. Kundi baka lumayo na rin siya saken.
"Basta Ju kapag nainlove ka saken, sabihin mo. Mag aadjust ako sa ginagawa ko sayo ha?" Paalala niya pa.
"Mas gusto ko kung ano ka ngayon" sabi ko naman.
Ngumiti lang siya. Ang gwapo niya talaga lalo kapag ngumingiti.
Di ko pa rin mawari yung nararamdaman ko kay Matteo, pero isa lang ang sigurado.
Di ako pwedeng mainlove sa bestfriend ko.
Habang nasa kalagitnaan ng libre ni Matteo, napansin ko naman si Laurence na palapit samen, ang laki ng ngiti at ang aliwalas ng itsura.
"Oh, ayan na future mo Ju haha" bulong niya.
"Sorry, naharang pa ako ng prof ko kanina eh, hehe. Pwede ba tumabi?" Sabi ni Laurence, kahit di pa siya tumatabi, naaamoy ko na yung bango niya.
"De sige, aalis daw kayong dalawa sabi ni Juju, sige na. Dito lang ako, hintayin ko si Maddie," sabi naman ni Matteo.
"Sure ka pre?" tanong ni Laurence.
"Oo pre. Haha sige na, ingatan mo lang yang juju ko ah. Virgin pa yan, in and out" sabi ni Matteo.
Tumawa lang ng malakas si Laurence ako naman hinampas ko siya sa braso.
"Ewan ko sayo! Alis na kami!" Sabi ko.
"Haha, loveyou Ju. Ingat kayo"
Pinilit kong di magreact sa sinabi niya. Sht talaga, nag I love you saken si Matteo.
Sht. Sht. Sht. Sht. Sht.
Inakbayan ako ni Laurence palabas ng store pero nag eecho pa rin saken yung "loveyou Ju" ni Matteo.
Sht!
+++++++
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko kay Laurence, pagsakay ko sa sasakyan niya.
"Sa bahay. Okay lang ba sayo?"
"Ah, sige okay lang" sabi ko.
"Hmmm,may iba ka bang gustong puntahan?"
"Kahit saan naman okay lang eh" sabi ko.
"Ahhh, ako may gusto akong puntahan eh" sabi niya.
"Saan naman?"
"Sa puso mo"
Sht. Fvck. Ano to! Kinilig ako bigla sa sinabi niya. Di ko napigilan yung ngiti ko, nakakahiya.
"Ang cute mo pag naka smile, smile ka lang palagi" sabi niya pa.
Titingin siya saken tapos titingin sa daan. Di tuloy ako mapakali sa upuan ko.
"Malapit na mag sembreak, punta tayo samen ah?" Sabi niya.
"Di pa ako nakakapag paalam samen eh."
"Wag ka mag alala, ako bahala hehe"
Nakarating kami sa bahay nila at yung sinasabi ng mga katulong niya tungkol saken, ganun pa rin.
Di ko naman maiwasan na marinig sa isip ko yung pinaguusapan nung dalawang katulong pag pasok ko.
"Pangatlong beses na siya nandito day!"
"Baka jowa na ni Sir yan."
"Ayyyy oo nga baka nga!"
"Naalala mo ba si Sir Lucas? Diba palagi din nandito yun?"
"Naging jowa ba ni sir yun?"
"Nako, bago ka lang kasi nung nakikita mo si Sir Lucas, pero dati halos araw araw din nandito yun"
"Eh, palagi ko kasing nakikita na babae inuuwi ni Sir eh"
"Nagbreak na ata kasi sila ni Sir Lucas, kaya nagbalik loob sa mga babae. Kaso nakilala niya pa si Sir Julian, baka bumalik na naman yung kabaklaan"
"Haha loko ka talaga day!"
"Haha, pero gwapo si Sir Laurence, aminin mo"
"Jusko, kahit silahis, magpapa anak ako kay Sir hahaha"
Di ko namalayang nag eenjoy na pala ako sa chismisan ng dalawa.
"Okay ka lang Julian?" Sabi ni Laurence.
"Ah oo, may naisip lang"
"Oh, sana ako yan" sabi niya.
"Haha, oo ikaw" sabi ko.
"Hehe, halika na nga" hinawakan niya ako sa bewang ko at umakyat kami sa kwarto niya.
"Ate, yung pagkain paakyat na lang ah?" Sigaw ni Laurence sa dalawang nagchichismisan kanina.
"Opo sir" sabi nilang dalawa.
+
Di naman nagbago yung kwarto niya, ganun pa rin yung ayos, pero ngayon mas komportable na ako.
"Gutom ka na ba?" Tanong niya.
"Hindi pa, nilibre ako ni Matteo diba"
"Oo nga pala hehe."
Medyo nagkakahiyaan pa kaming dalawa, ramdam ko yun pero yung hiya na kinikilig yung nararamdaman ko.
"Hmmm, tabihan mo ko rito Julian," nakaupo kasi siya sa kama niya.
Lumapit naman ako at naupo sa harap niya.
"Akin na kamay mo" sabi niya.
"Bakit?"
"Basta..."
Inabot ko kanang kamay ko sakanya tapos hinilot niya.
"Oh sht, ang sarap!" Sabi ko.
"Haha, talaga?"
"Oo, hehe. Saan mo natutunan yan?"
"Sa kaibigan lang hehe,"
Naalala ko naman yung pinagchichismisan ng mga katulong kanina about kay Sir Lucas.
"Nakwento mo saken na may ex ka na...." sabi ko.
"Eeeeeeeeeeee, bakit gusto mo pagusapan yun? Haha"
"Hehe, wala, sige kung ayaw mo wag na lang"
"De sige ayus lang, magtanong ka. Para wala na akong tinatago sayo" sabi niya.
Bigla namang kumatok yung katulong niya at inabot yung pagkain.
Carbonara yun.
Isang plato lang kami pero dalawang tinidor.
"Sana di ka nagsasawa sa pasta" sabi niya.
"Hehe hindi" sabi ko.
Bigla na lang niya akong sinubuan ng carbonara na kinagulat ko.
"Sarap ba?" Tanong niya.
"Uhmmm... oo sobra!!"
"Hehe buti nagustuhan mo"
Habang kumakain, inopen niya uli yung topic about sa ex niya.
"Itanong mo na gusto mong itanong" sabi niya pa.
Ang cute cute niya kapag nakangiti, lalo na kapag titingin siya saken.
"Ehh.... wag ka maoffend" sabi ko.
"Hahaha, alam ko na itatanong mo, sige, itanong mo na?"
"Hehe, hmmm. Lalaki o babae yung ex mo?"
"Sabi na eh hehe. Hmmmm, lalaki" sabi niya.
Di naman na ako nagulat, Lucas kasi pangalan eh, pang lalaki lang naman Lucas.
"Oh, anong nangyari sainyong dalawa?" Tanong ko.
"Hmmmmm, ewan ko. Bigla na lang kaming naghiwalay, parehas naman nameng ginusto..."
"Bakit parang bitter ka pa?" Sabi ko.
"Haha, hindi! Hindi naman sa bitter, kasi pagka break namen, meron na kaagad siyang iba. Dun ako nagalit sakanya, di ako bitter promise hehe"
"Ahh. Hmmm, ano pangalan niya?" Kunwari na lang hindi ko alam.
"Lucas. Hehe, diba pangalan pa lang manloloko na? Iiwan ka na?"
"Haha loko ka!"
"Hehe, sobra kasi ako magmahal Julian. Promise, kapag ako nainlove, lahat kaya kong ibigay"
Mukha naman kasing ganun si Laurence.
Ngayon pa nga lang parang ganun na nakikita ko sakanya.
"Di ko alam kung matutuwa ka sa ganun, pero ganun talaga ako. Sobra magmahal, kaya kapag nasasaktan, sobra rin" sabi niya.
Ramdam ko bawat salitang sinasabi ni Laurence.
"Sorry kung madrama haha, ikaw? Ano bang ineexpect mo kapag nasa relasyon?"
"Hmmm, syempre masaya. Napapanuod ko kasi sa movies masaya, grabe naeexcite na nga ako eh" sabi ko.
Tumawa siya.
"So gusto mo na?" Sabi niya saken habang nakangiti.
"Ahh, oo naman" sabi ko ng nakangiti rin.
"Baka naman may kaagaw ako sayo?"
"Hala, saan nanggaling yan? Haha"
"Hehe, nakakatuwa ka Julian. Parang ang sarap mong mahalin" sabi niya
Sht, kung paano yung itsura nung magkausap kami sa phone, ganun yung itsura ko ngayon
"Pwede ba kitang mahalin?"
Sht. First time na may nagsabi saken neto.
Nakatingin siya saken, hinihintay yung sagot ko.
"Hmmm, pwede ba kitang ligawan?" Ni rephrase niya. Pero nakakakilig pa rin.
"Ahhhh...."
"Julian, gusto kita. Smula nung nakasama kita sa Pampanga, ewan ko, di ka na maalis sa isip ko nun. Lalo pa ngayon na nakikilala kita."
Mamamatay na siguro ako sa kilig sa mga oras na yun.
"Di mo kailangan sumagot ngayon"
Anong hindi, ngayon na ako sasagot!!
"Oo naman! Pwedeng pwede!" Sabi ko.
Ngumiti siya ng malaki, siguro kinikilig din siya ng sobra!
"Talaga? I mean, seryoso? Sht, hahaha. I'll be the best suitor Julian!!"
Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. Buti na lang ubos na yung pagkain namen.
"Julian di ako mapakali hahaha gusto ko magwala!" Sabi niya.
Ang higpit higpit tuloy ng hawak niya sa kamay ko
"Haha, ako lang dapat ah?" Sabi ko sakanya.
"Hala oo naman, ikaw lang promise. Walang iba!" Sabi niya.
Gusto ko siyang yakapin kasi di ko magawa, di rin siya mapakali sa higaan niya.
Bigla siyang tumayo tapos pinatayo niya rin ako at siya na yung yumakap saken.
Ang init ng yakap niya, pero ang sarap sa pakiramdam. Ibang iba yung yakap na to sa yakap nila mama.
+++++++
Pag uwi ko ng bahay, napansin kaagad nila papa at mama yung ngiti ko.
"Aba, mukhang masaya ang anak ko ngayon ah? Ano kayang meron?" Sabi ni papa saken.
"Hehe si papa talaga! Hehe, akyat na po ako" sabi ko.
Pero hinarangan niya ako at inalalayan papunta sa sofa.
"Iba ang ngiti, iba ang kilig, anong nangyari?" Tanong ni papa.
"Share mo naman samen anak" sabi ni mama.
"Kapag di to umamin saken lagot to" sabi ni papa sa isip niya.
"Ano ba gusto niyo malaman pa? Ma?"
"Edi yung dapat nameng malaman" sabi naman ni papa.
Di ako makaramdam ng hiya kina mama at papa, kaya kinwento ko naman yung nangyari kanina.
"Nanliligaw na po si Laurence." Sabi ko.
Aba, yung reaksyon nila mama at papa, mas masaya pa saken, tuwang tuwa sila at niyakap nila akong dalawa.
"Aba, dalaga na anak ko!" Biro ni papa.
"Hala ang baliw na naman ni papa!" Sabi ko.
"Haha, masaya lang anak." Sabi ni mama.
"Oo nga, KJ mo anak" sabi ni papa.
Baliw talaga tong mga magulang ko.
Maya maya, may kumatok naman sa pinto namen.
"Oh baka si Laurence yan haha, namiss ka kaagad" sabi ni papa.
Ako na yung tumakbo sa pinto at nagbukas.
Pero hindi si Laurence yun, si Tracy!
"Oh, Tracy bakit nandito ka? Anong oras na ah"
"Totoo bang alam na ni Greco na may kapangyarihan ka?" Bigla niyang tanong.
Di naman ako makasagot sa tanong niya, bawal yun ayon sa rules.
"Julian, wrong move. Very wrong move!"
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Dapat hindi mo pinaalam sakanya. Very wrong move talaga" sabi niya.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Wag mo pagkatiwalaan si Greco!" Sabi niya.
"Bakit mo ba sinisiraan si Greco saken?"
"Basta wag mo sya pagkatiwalaan Julian, ako na nagsasabi sayo"
Bigla na lang siyang lumayo at umalis.
Di ko naman alam kung anong tinutukoy niya.
Pumasok na lang ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko.