Hannah
Nasa mansyon na ako at kanina pa ako pabalik balik sa paglalakad, hindi kasi ako mapakali kung ano na ang nangyayari sa kanya. Ilang oras na rin di pa rin siya nakakauwi, natural lang naman na mag-alala ako hindi ba? Syempre, tinulungan niya akong makatakas dito.
"Maam, magpahinga na kayo. Uuwi rin si Boss mamaya." Biglang lumitaw si Cus sa likod ko. Nasa labas kami ng mansyon ay naghihintay lang sa kanya, ayaw niya rin kasi akong iwan dito ng mag-isa dahil baka mamaya raw ay may lilitaw na mga kalaban.
Umupo nalang ako sa sahig saka tumingin sa malaking sa di kalayuan. Alas diyes na ng gabi wala pa rin siya, sinong hindi mag aalala!? "Maam, pumasok na kayo. Wala pa po kayong hapunan." Napabuntong hininga na lang ako. "Kung hahayaan kita sa labas ng magdamag ay baka magalit pa sa akin si Boss. Mamahinga na po kayo sa kwarto niyo."
"Aantayin ko siya hanggang mag 11, kapag wala pa rin siya, matutulog na ako." Ayan ang sinabi ko sa kanya at hinayaan niya naman ako. Hanggang sa dumating na ang alas onse ng gabi ay wala pa rin siya. Wala akong magawa kundi ang matulog kagaya ng sinabi ko kay Cus.
Ano kaya ang nangyari sa kanya? Bakit umabot siya ng ganito katagal? Sana walang nangyaring masama sa kanya. Kinakabahan ako e.
Maxtrico
"Boss, sigurado ka? May tama ang tiyan mo saka braso mo, paano ka makakauwi ng ganyan? Alas onse na ng gabi. Mas mainam kung dalhin muna kita sa Hospital." Tinignan ko si Craze na kanina pa inaasikaso ang aking tiyan saka braso. Buti nalang ay nakapag aral si Craze ng nursing kaya kahit papaano may alam siya sa first aid kit.
"Boss, pasensiya na. Ikaw pa tuloy ang natamaan sa tiyan," sambit ng isa sa mga tauhan ko. Ngumiti lang ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat sabay tayo.
"Kailangan kong makauwi, panigurado nag aalala na ang asawa ko doon." Nagsimula na akong maglakad. Narinig ko naman na nagmumura si Craze at saka inalalayan ako para makasakay sa sasakyan.
Napadaing ako sa sakit nang pag-upo ko ay nakaramdam ako ng sakit. "Ako na ang magmamaneho, na iistress ako sayo boss. Napaka pasaway mo." Tumawa lang ako sa sinabi niya saka tumingin sa bintana. "Parang mas nag aalala ka pa doon sa babaeng yun kesa sa sarili mo. Hindi ba't gagamitin mo lang naman siya? Masyado mo namang kina career, baka nakakalimutan mo kung anong ginawa ng ibang mga babae na kinuha natin."
Tinutukoy niya ang mga babaeng kinuha namin para gawin kong asawa pero kalaunan, kasapi pala siya ng mga taong nais akong pabagsakin. Sigurado naman ako na iba si Hannah doon at saka isa pa, may something lang talaga akong nakikita or nararamdaman sa babaeng yun kaya ganun nalang ang kagustuhan kong makauwi agad para makita siya.
Matapos ang ilang oras, nakarating na rin ako sa mansyon. Mag alas una na pala bago ako makarating ako rito. Agad akong sinalubong ni Cus at saka parehas na akong inalalayan ni Craze saka ni Cus papunta dapat sa kwarto ko.
"Kamusta siya?" tanong ko kay Cus.
"Actually Boss, kanina pa siya naghihintay sayo. Hindi na nga naghapunan yun kakahintay sayo. Kung hindi ko pa pinilit nang pinilit ay baka hindi na siya natulog." Nagulat naman ako sa narinig ko kay Cus. Totoo ngang naghihintay siya sa akin?
"Seryoso ka ba? Baka mamaya nagpapanggap lang na nag aalala yun tapos mamaya spy pala." Pagtutol ni Craze habang hawak-hawak ang aking braso. Hindi na rin kasi ako makatayo ng maayos dahil sa butas na nasa tiyan ko. Kung hindi lang ako sanay sa tama ng bala ay kanina pa ako nam*tay, tinawag ko na rin ang aking Doctor na naninirahan dito sa mansyon ko.
"Gusto ko siyang makita. Dalhin mo ako sa kwarto niya."
"Boss naman! Magpagaling ka muna, hindi mo siya makikita bukas kapag hindi mo alalahanin yang katawan mo!" Tumawa lang ako kay Craze pero agad ding tumungo sa kwarto ni Hannah. Sakto naman ang pagdating ni Doc Warren na may dala-dalang stretcher.
"Hoy, saan ka pupunta? Halika ka na rito at gagamutin pa kita! Jusko ka, Max, palagi nalang ganyan sitwasyon mo, pinapagod mo ako ng sobra!" Pinapagalitan na naman niya ako pero pinatahimik ko siya at sinenyasan na huwag maingay.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko rito si Hannah na mahimbing na natutulog. Nakatapat ang kanyang mukha sa pinto kaya napangiti ako. Kahit natutulog siya e maganda pa rin ang kanyang mukha.
Unti-unti naman akong lumapit sa kanya saka inayos ang kanyang kumot. Muntik ko pa siyang magising kasi bigla nalang siyang gumalaw. "Gigisingin mo pa ang dalaga e, tara na magpagamot ka na!" pabulong na sigaw ni Doc Warren sa akin kaya tumawa ako ng mahinhin.
"Anong dalaga Doc, asawa ko na yan. Hindi na yan dalaga." Agad naman niyang hinila ang aking tenga kaya napadaing ako sa sakit. Si Craze at Cus naman ay hinayaan lang nila ang Doctor ko na hilain ako ng ganito. What the fvck, ganoon ba sila ka walang paki sa boss nila!?
"Higa!" Wala akong magawa kundi ang humiga sa stretcher. Si Doc Warren ay nag t-trabaho yan sa ibang bansa, isa siyang magaling na Doctor pero agad ko siyang hinire na maging personal na Doctor ko. Babae si Doc Warren at mas matanda sa akin, para ko na rin nga siyang ate kung tutuusin.
"Buti nalang talaga nandiyan ka Doc, itong Boss namin napaka pasaway e." Pagsipsip pa ni Craze kaya sinamaan ko siya ng tingin pero lumihis lang ng tingin. Narinig kong bumuntong hininga si Cus at nagsalita.
"Magpagaling ka ngayon, Boss. Bukas na bukas panigurado ay tatakbo yan papunta sayo para makita ka."
"Kung makaka survive siya ngayon!" Bigla namang sumingit si Doc Warren at masama akong tinignan. Mukhang balak pa ata nito na pat*yin na ako.
Tinignan ko nalang si Cus saka ngumiti. "Bukas na bukas, pakisabihan siya na pumunta sa kwarto ko ha? Gusto ko siyang makita." Tumango naman siya hanggang sa pinasok na ako ni Doc Warren sa loob ng operation room.
"Sinasabi ko sayo, Maxtrico Beaumont. Sa oras na ganito na naman kalagayan mo sa susunod, hindi na kita pagagalingin pa." Tumawa lang ako sa sinabi niya. Ilang beses niya na ring sinabi sa akin yan pero nagsisikap siya na pagalingin ako.
"Nakita ko ang babae kanina, halata nga sa mukha niya na nag aalala siya sayo. Kung tamang babae na siya, sana, huwag mo siyang pababayaan." Ayan ang mga narinig ko sa kanya.
Hindi ko nga rin alam kung magtatagal kaming dalawa, kaya lang naman kami naging mag-asawa dahil sa kontrata. Nakuha niya lang talaga ang interes ko kaya gusto ko siyang mas makilala pa, parang iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Sino ka kaya, Hannah?