"Isang buwan na lang. Lalabas na siya." Ngumiti ako kay Raf na kadarating lang. Binaba niya ang grocery na hawak at yumakap sa akin mula sa likuran. Pareho kaming masayang tumitig sa salamin. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko habang niyayakap ako nang sobrang higpit. "Konting panahon na lang." "Siguro pwede na tayong umuwi," sabi ko na nagpawala ng ngiti sa labi niya. "Bakit parang ayaw mo ng umuwi?" Tumawa ko sa reaksyon niya ngayon. "Gusto," mahina niyang sagot at mas lalong siniksik ang mukha niya sa leeg ko. "Hindi lang naman ikaw ang nakaka-miss sa kanila. I also miss, mom." "Si Tita Han lang ang nami-miss mo? Baka magselos niyan si Tito." "Both of them, ofcourse." "Hon, may problema ba? Noong nakaraan pa kita napapansin." "Na ano?" Ngumiti siya at sinilip ang mukha ko.

