Karlo’s Point of View
“Alyza… ok ka lang?” tanong ko sa bestfriend ko. Mahigit dalawang oras na siyang nakatulala sa mama niya sabay ang pagpunas niya sa mga luhang lumalabas sa mga mata niya.
Ano bang nangyari sa babaeng to?
“Wala na akong trabaho Karlos…. Wahhhhhhhh!!! Paano na kami ni mama?!!!” napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Akala ko namn sobrang bigat na ng problema niya.
“Tanga! Sino ba namn kasi may sabing magtrabaho ka?! Mayaman namn kayo! Kung makaasta ka parang naghihirap na kayo ah!” she look at me and rolled her eyes.
“Leche! Minura ba kita?! Makatanga ka ah! Eh sa gusto ko magtrabaho!!” umupo ako sa gilig ng higaan ni tita. Nginitian ko siya ng nakakaasar.
“Trabaho ba talaga? O gusto mo lang talaga makita yung boss mo?” humagalpak ako sa tawa ng manlaki ang mga mata niya.
“PAANONG!??? HUY!! UMAYOS KA!! LECHE KA!!!” tumayo siya at pinagbabato ako ng mga prutas….
“HOY!! PAGKAIN YAN!!! LAGOT KA KAY TITA!!! HAHAAHHAHAHAHA!!! YIEEEE!!!! SI ALYZA MAY CRUSH SA BOSS NIYA!!!! HAHAHAHAHAHAHA!!!!!” habang tumatawa ako sinasalo ko ang mga mansanas na binabato niya sa akin.
Sayang eh.
“WALA KAYA!!! FEELING MO!!!!”
“Anak bastusan? Natutulog ako.“ naestatwa bigla si Alyza.. Putakte lang! Malakabute kung magparamdam tong si Tita. Hahhaha! Lakas ng sapak! xD
Tumingin si Tita sa akin at sa mga mansanas na hawak-hawak ko.
“Hi Tita.. Good morning…” ngumite siya sabay simangot pagkatingin kay Alyza.
“Ma..gising ka na pala…” pffttt! Hahahhahaha! Lutang amp!!
“Ay hindi nak…. Tulog ako tulog kaya nga nagsasalita ako eh…” nagpout siya sabay kamot sa ulo..
“Grabe… Ang hard niyo namn sa akin…”
“Wag kang istorbo sa tulog ko kung ayaw mong mahard ok? Hala alis kayong dalawa at matutulog ako!!”
“GRABEEEE!!! MA GANYAN KA NA?!! WAHHHH!!!!?? ANG SAMA!!!!”
Binalik ko ang mga mansanas at nagpaalam kay Tita. Hinatak ko na palabas si Alyza na masama ang tingin sa akin.
“Leche ka talaga KARLOS!!” sabi niya ng makalabas kami.
“Bakit na namn?!!” ngumite ako.
“Wag mo nga akong ngitian dyan! Muka kang aso! Leche!”
“Ako? Aso? Sa gwapo kong to *insert pogi post*?! Aba kailangan mo ng bumisita sa doctor mo.. Patingnan mo na kung may deperensya yang mata mo… tsk…” I grinned at her widely. Gusto ko talagang naaasar tong si ALyza.
“Feelingero ampota! Bahala ka dyan sa buhay mo!!!”
“At saan ka namn pupunta?!!” tinaasan niya ako ng kilay.
“Babalik sa BAHAY ko!” then she rolled her eyes on me.
“Sa hacienda? O sa mansion niyo?” tanong ko sa kanya.
“ Kahit saan! Basta walang panirang tulad mo! Nakakabadtrip!” tumawa ako.
“Sus! Mageemote ka lang eh… hhahhahaa…” tinaas niya ang kamay niya at nagform ng isang kamao.
“Isa pang salita.. Susuntukin kita sa tabs mo! GOODBYE!”
****
Alyza’s Point of View
Kailangan ko pa palang kunin yung mga gamit ko sa company ni Nathan… Bat kasi di ko kinuha kagabi.. tanga din talaga ako eh..
“Ma’am? Ano pong sa inyo?” biglang tanong sa akin nung tindera ng MD. (mercury drug)
“Gamot sa sakit ng ulo…” sagot ko sa kanya. May pinindot-pindot siya dun sa laptop daw kuno na kung ano-ano.
“8.50 po lahat Ma’am” Binigay ko na ang bayad ko sabay labas at sakto namang may humintong taxi sa harapan ko.
“Manong sa Batangas po..” gulat na tumingin sa akin si manong driver. Bakit na namn?!
“Miss malayo yun. Mag bus ka na lang.” umiling ako.
“Sige na manong hatid niyo na ako hanggang Batangas… promise magbabayad ako kahit magkano…”
“Sige basta ikaw na bahala sa gas…” grabe! Buraot ampota!
“Ok…” sumakay na ako.
>Makalipas ang 4 hrs*After 25 minutes*
“GRABE! Napagod ako dun ah..” umupo ako sa bench at inistrectch ang mga binti ko. Sakit sa legs.
“Saglit lang po Ma’am tatawagin ko lang po si Manang Leng”
“Sige lang”
I sigh heavily. Fifteen pound siguro ang nabawas sa akin.
“Daddy! I have good news!!!” excited na excited akong lumapit sa kanya para sabihin ang good news.
“Yes Princess? Anong good news mo para kay Daddy?” kinarga niya ako.
“Birhtday ko na po sa Sunday.. Are we going to invite my friends?” bahagyang tumawa si daddy.
“Sorry Princess. Friends are off limits remember? How about we go skating on your birthday? Or a trip in Disneyland?” nagpout ako.
“Trip to Disneyland na lang daddy. Basta buong family tayo pupunta doon ok?” malambing na sabi ko sa kanya.
“Ofcourse..” then he smiled sweetly.
Pinunasan ko agad ang munting luha na pumatak sa mga mata ko. Until now it still hunt me. Nandito parin yung sakit, yung galit at pagsisisi.
How I wish I could turn back time.
Maikling panahon ko lang nakasama si Dad pero hindi man lang ako binigyan ng chance na makasama siya ng matagal.
“Alyza? ALYZAAA!!! IKAW NGA!!!!” napatayo ako kaagad dahil sa sigaw ni Manang Leng. Susko makatakbo naman wagas may bitbit pang mga plato.
“MaNANG!!! LENGG!!! Baka po mahulog yung mga plato!! *laughs*” natatawa kong salubong sa kanya.
Agad niya namang inilapag sa sahig.. teka saan niya balak kumain???
“Nakung bata ka!! Wag kang sisigaw ng ganun at nininerbyos ako…. Susmaryosep!” tapos bigla niya akong yinakap ng mahigpit.
“Eh manang nauna kaya kayong sumigaw kaya gumaya lang ako.. ayos po ba? Hahahahaha”
“At nangangatwiran ka pang bata ka” sabi niya matapos niya akong yakapin…
“Naman! Ganda ko po eh!” nagpeace ako agad. Baka magsecond demotion eh.
“Isang taon ring hindi ka nagpakita dito sa hacienda.. Buti na lang at bumalik ka na. marami na kasing mga gamit ang kailangan at yung mga kabayo ng papa mo tumatanda na kailangan mo ng bumili ng panibagong mga alaga…” sunod-sunod na sabi niya sa akin. Tumango na lang ako habang tinutulungan siyang pulutin ang mga plato na nasa sahig.
“Manang… Chill masyado kayong stress eh.. Ako bahala ”
Umiling si Manag Leng. Siguro na sa isip nito hindi parin ako nagbabago,,.. hahaha
“Ikaw talaga… Teka maiba ako kamusta na pala si Senyora? Maayos na ba kalagayan niya?”
Ngumite ako ng pilit.
“ Si mama… *kunyari iiyak* maayos na po.. malapit na”
“ARAY!! Bakit niyo namn po ako binatukan?!!” langya ang sakit ng ulo ko. Kahit pala matanda na malakas parin mangbatuk.
“Pinakakaba mo ako eh! Oo at hindi lang ang haba ng sagot mong bata ka! Jusko mamamatay ako ng maaga nito eh!! Hala dun tayo sa kubo namin!”
Tumawa ako ng malakas. Masarap pala sa pakiramdam na makaramdam ka ng konting kasiyahan paminsan-minsan. Nakakawala ng problema at sakit tanging kasiyahan lang ang nararamdaman mo.
***
“Manang pinarenovate niyo ba tong kubo niyo? Ang ganda na po may pintura na…” actually parang bahay na nga eh.
“Ah pinaayos namin ng Manong Sid mo. Salamat at nagustuhan mo” pumasok kami sa loob at nakita naming nagaayos ng lamesa si Kuya Rey at Manong Sid.
“MANONG!!!!!!!! NANDITO NA PO AKO!!!!” tumakbo ako papunta kay |Manong Sid na panandaliang na bigla sa akin. Nakalunok ata ako ng microphone…
“Aba.. gumanda ka lalo senyorita. Buti naman at nakabalik ka na.” tumango ako at sabay ng mano.
“Kamusta naman si Senyora sa maynila? Maayos na ba siya?”
“Ah malapit na daw pong gumaling si mommy. Malapit na siyang umuwi…”
“Mabuti namn halos isang taon na siyang na sa ospital.. teka kumain ka na ba?”
“Hindi pa po pero mamaya na lang po ako kakain. Pupunta muna ako sa kwarto ko pagod na pagod na talaga ako galing byahe..”
“Naku… Sige mamaya ka na kumain magpahinga ka muna.. Teka lang tatawagin ko lang yung maghahatid sayo pabalik sa mansion” pinigilan ko si Manang Leng na lumabas.
“Ahh!! Wag na po kaya ko naman!”
“Sigurado ka Senyorita? Baka lalo kang mapagod niyan..” sabi naman ni Kuya Rey na ngayon nakaupo na at ready ng kumain.
“Opo.. Kain na po kayo.. Sige po bye!!” iniwan ko na sila at lumabas para bumalik sa mansion.
Dito nakaukit ang kalahati ng buhay ko. Mga alaalang hindi ko kayang bitawan at kalimutan. Mga masasayang alaala na mahirap kalimutan.
Habang naglalakad ako, pinapanuod ko ang mga kabayong naghahabulan kasama ang mga trainer nila.
Bata pa lang ako nandito na ako sa hacienda nakatira. Hindi lumalabas, laging may bodyguards kapag pumapasok ako sa school, bawal ganyan, bawal ganito, ang tanging naging kalaro ko nun ay si papa at mama pati na rin si Karlos.
Siya lang ata ang nagiisa kong kaibigan. Sa buong buhay ko isa lang ang naging kaibigan ko. Hindi dahil sa takot akong makipaginteract sa kanila kundi dahil off limits sila sa akin. Kaya nga iniwasan ako ng mga soon to be dapat na kaibigan ko nung elementary ako. Bukod sa kilala ang pangalan ng family name, kami ang pinakamayaman sa buong lugar namin.
Pero ngayon, alam ko na kung bakit ako pinagbabawalan ni dad na makipagfriends… kasi they’re dangerous. Hindi mo alam kung sino ang totoo at nakikipagplastikan lang sayo.
Real friends are hard to find ika nga nila..
*Sa kwarto*
Pagkatapos kong maligo at magbihis dumiretso ako kaagad sa kama ko at nahiga.
“Kamusta na kaya si Nathan?” hindi namn siguro masamang mangamusta diba? Tsaka malaki ang utang na loob ko sa lalaking yun.
“Kung hindi mo lang sana sinabi yung word na yun eh di sana kasama parin tayo.. Bat kasi nahulog ka sa akin? Akala ko ba hindi ka marunong magmahal? Eh bat nag aIloveu ka sa akin? Nakakagagu kaya” parang tanga kong sabi sa sarili ko.
Eto ba ang nagagawa ng mga kulang sa tulog? Kinakausap ang sarili? Lesheng yan..
Makatulog nga muna..
ZzzzzZZZzzzzzz
Sean’s Point of View
“Dude.. kung ayaw mo kay Reese dapat nun pa lang inyawan mo yang kasal na yan.. this is the modern age! Wala ng arrange marriage na nagaganap sa panahon ngayon! Kalokohan na yan!” sermon ko sa pinsan kong kanina pa umiinom.
Tanghali tapat na sa bar na kami. Umiinom!
“Gago! Sa estado ko ngayon! Meron! Na sa harapan mo ang best example!” inis na sabi niya sa akin.
“Pre.. Madali lang naman yan.. go to Reese parent’s house kausapin mo sila at sabihin mo yung totoo.” Tiningnan niya ako ng masama
“Ginawa ko na yan.. Walang epekto! Tinawanan lang nila ako at sabi nila I’m just getting paranoid.. f**k! Anong paranoid dun?!!” tumawa ako ng bahagya.
“How about your dad? Si Tito Vincent?” mas lalong sumama yung tingin niya sa akin.
“My dad? Eh halos ipagtulakan na ako nun kay Reese kulang na lang ipamigay niya ako!” I sigh in disbelief. Anong klaseng buhay ba meron tong pinsan ko.
“Look Nathan… Tutulungan kita yun ay kung gusto mo?” I said in my serious tone. I’m done playing games with him and Alyza. It’s time to reward them the happily ever after they deserve.
“Paano?” I heard a hint of relief in his voice. I smiled mentally.
“First, kailangan mong pagbatiin ang pamilya ng mga Montesa at pamliya niyo” I saw confuse in his eyes.
“What? Hindi kita magets” ibinaba niya ang beer na hawak niya at nagconcentrate sa sinasabi ko.
“Hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit basta-basta na lang binigay sayo ni Alyza ang buong pagkatao niya? Hindi ka ba nagtataka kung bakit niya inaccept ang ooffer mo bilang PA mo kung may kaya naman siya? At lalong hindi ka ba nagtataka kung bakit sa lahat ng PA mo siya ang nakapasa sa standards mo?”
“Well I thought Alyza willingly gave her womanhood to me. Tsaka tinanggap niya agad yung offer ko kasi sabi niya kailangan niya talaga ng trabaho. Nagtagal siya bilang PA ko kasi mas nahigitan niya yung standards ko. She pass my expectations. Bakit may iba pa bang dahilan?” napailing ako sa sinabi niya.
“You are wrong. So damn wrong dude! Malaki ang kasalanan ng Dad mo sa pamilya ni Alyza. Alam mo ba yun? Oh baka naman hindi sinabi sayo ni Tito at Tita?” nakita kong lumaki ang sinkit niyang mata.
So hindi niya alam.
“WHAT?! Paano namn napasok si Dad at si Mama?!”
“Sila ang dahilan kung bakit nakilala mo si Alyza” sagot ko sa kanya.
“ How? When? Why?!! f**k! Hindi ko na kaya to!” ibinaon niya ang mukha niya sa dalawa niyang palad.
Frustrated? Ako din.
“Demonyo ang tatay mo Nathan.” Matalim na sabi ko sa kanya. Bigla namn siyang napatingin sa akin ulit.
“Dahan-dahan ka sa pananalita mo Sean, tatay ko ang sinasabihan mo” I smirk at him.
“So? Eh sa demonyo talaga ang tatay mo, he killed an innocent life” tinunga ko ang beer na hawak ko bago magsalita ulit.
“His heartless, a demon,” I said through gritted teeth.
“Alam kong strict at cold siya pero ang pumatay? Impossible! My father cant do that…” di niya makapaniwalang sabi sa akin.
“But he did and you know what was the best part of it for him?”
“What?” alam kong kinakabahan na siya sa mga sinasabi ko. Nanginginig na ang mga daliri niya.
“He stole all the treasure and valuable things of that someone. Pinatay niya na nga ninakawan pa...” his jaw drop open.
“No way in hell….”
“Kaya nga bigla kayong yumaman ng sobra diba? Oo nga pala hindi mo alam paano ba namn kasi masyado kang bulag sa kasinungalingan. You were deceive by your father at si Tita? Wala siyang ginawa kahit alam niya ng may masamang ginawa ang asawa niya.”
“Pwede ko bang malaman kung sino yung taong piñatay niya?” mahina niyang tanong sa akin.
“He didn’t kill it literarily but he was the reason why that man died”
“Man? Lalaki? Sino? Anong pangalan?” sunod- sunod na tanong niya sa akin.
“I don’t know his name but all I know is that the man your father killed was Alyza’s precious father.”