Nathan's Point of View Nanatili akong nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto kung saan nakaconfine ang mommy ni Alyza. Nauna na si Alyza sa loob at nagpaiwan ako. I thought in my mind na magiging handa na ako sa harapang ito pero hindi pala. Na sa utak ko lang pala yun. Nagsimula akong pawisan ng malamig at kabahan. What if she's like dad? Paano kung tutol din siya sa aming dalawa ni Alyza? Huminga ako ng malalim. You can do this. You've come far for the love you want to keep yours forever. You cant backdown now. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng pintuan at marahan itong binuksan. Sa unang silip ay nakita ko si Alyza na nakangite sa akin. Her smile was reassuring me that everything is gonna be fine. Nakita ko ang saya at munting pag-asa sa mga mata niya. Bumaling ako sa ka

