Nathan's Point of View Love is not finding a hand that perfectly fits yours. It is finding someone that holds your hand how unfit it may be. And I have found mine. Halos umiyak ako sa harapan ni Alyza at ni Oliver ng makita ko ang babaeng pinakamamahal kong unti-unting nagmumulat ng kanyang mata. She woke up! And I cannot be more happier. "You keep on staring at me" puna niya sa akin habang patuloy akong nakatitig sa kanya. I just couldnt believe. "You're back. You're really back" hindi parin ako makapaniwala pero eto hawak ko na kausap ko pa. Bahagya siyang tumawa sa sinabi ko. Even seeing her laugh again makes me fall in love with her more. Hinalikan ko ang likod ng kamay niya at inilagay sa aking pisngi. Mahal na mahal kita. Sobra. "Masyado ka naman atang inlove sa akin Mr. Sy"

