TULAD ng nakasanayan, maagang nagising si Ysabella ng umagang iyon. Agad siyang nagtungo sa kusina upang maghanda na ng almusal. Habang nagpiprito siya ng itlog ay biglang pumasok sa kusina si Mikael. Medyo magulo ang buhok nito at tanging shorts lang ang suot. Walang pang-itaas. Nakaramdam siya ng pagka-ilang ito kaya hindi na niya ito nagawang batiin pa. “Anong niluluto mo?” tanong ni Mikael sa kanya. “I-itlog…” sagot niya. “May gusto ka pa bang ipaluto?” Labis ang gulat ni Ysabella nang bigla siyang lapitan at yakapin mula sa likod ni Mikael. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na sandok dahil sa ginawa nito. “M-mikael, ano ba?” pigil ang boses niya dahil baka biglang magising si Fernan. Ngunit wala yata itong balak na magpapigil sa kanya dahil mas lalong humigpit ang yakap nito.

