"Stand up!" Mariing sabi nito sa kan'ya. "What's wrong with you, Rafael? Do you know her?" Takang tanong ng babaeng kausap niya kanina. Hindi ito pinansin ni Rafael at sa halip ay pinuntahan siya nito at itinayo. "You are my wife at hindi ka katulong dito, you don't need to do that!" Medyo nabasawan na ang galit nito. Halos manlaki ang mga mata ng mga taong nakarinig sa sinabi nito. "What the f*ck! What happened with your hand?!" Nagulat siya nang tignan ang isang kamay niya. Tumutulo ang dugo mula rito, ngayon niya lang naramdaman ang pagkirot at hapdi niyon. Agad na kinuha nito ang panyo na nasa bulsa at itinali sa isang kamay niyang may sugat. May kalaliman ang pagkakahiwa niyon. "Listen, everyone here. No one has the permission to hurt my wife! to humiliate her! Dahil kapag na

