3 Months After "Sab, hindi pa rin ba nagbabago ang desisyon mo?" Malungkot na tanong sa kan'ya ni Troy. Umiling lang siya. Nasa hospital sila ngayon for her monthly check-up. She's 7months pregnant now. Napakalaki na nang pagbabago mula sa kan'ya. She decided to keep the baby and it's going to be a baby boy. She cut her hair short na lalong nagpaganda sakan'ya pero maaaninag mo pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Hindi man maaaninag sa katawan niya ang sakit pero unti-unti itong lumalala sa pagdaan ng bawat araw. Palagi na ang pagsikip ng dibdib niya. Nang araw na umalis siya sa mansiyon ay hindi man lang siya tinangkang hanapin ni Rafael, she is living with Troy right now. Masaya siya na nagkaroon ng kaibigan sa katauhan nito. Napagpasyahan din niyang tumigil muna for second semeste

