Pagbalik ni Rafael sa kwarto nila ay nagmamadali itong nagbihis. "Sorry wife, something came up. Dinner is ready don't forget to drink your vitamins after. H'wag mo na ako hintayin" Sabay halik sa may noo niya at nagmamadali na ulit itong lumabas. Huminga siya ng malalim. H'wag mo na akong hintayin.. H'wag mo na akong hintayin.. H'wag mo na akong hintayin.. Ano ba 'yan napaparanoid na naman siya. Everything is for the sake of his son. 'Yon lang 'yon at wala ng iba. Ito ang pinipilit niyang ipasok sa isip niya. Nahirapan siyang makatulog, nasanay na kasi siyang katabi si Rafael. Kinabukasan ay parang puyat na puyat siya. Namamaga ang mga mata niya, but she still needs to attend her class. Nang makita siya ni Marco ay agad siya nitong linapitan. "Kate, are you okay? Alalang tanong

