Habang buhat-buhat siya ng lalaking ito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan at pag-aralan ang buong mukha nito. He looks like Adam Lavigne of Maroon 5, meron din itong tattoo sa may kaliwang braso. May mga patubong balbas din ito na nagpadagdag sa kagwapuhan nito. She can also smell the scent of his manly perfume. "She has a wound, It needs to be clean" Sabi nito sa attending nurse na naroroon. Habang ginagamot siya ay nandoon lang ito at tinitignan ang ginagawa ng nurse. Nang matapos ito ay sinabi ng nurse na magpahinga lamang siya kahit limang minuto at pagkatapos ay pwede na silang umalis. "Ahm, Thank you nga pala" Basag niya sa katahimikan. "No worries. By the way, I'm Troy Schroty. Half Filipino, Half Canadian" Lahad nito ng isang kamay nito sa kan'ya. "I'm Sab Faja--

