Chapter Four
May ideya na si Ardel kung sino ang tinutukoy na bisita ni Sarah. Si Arwynn. He felt the excitement.
"Bro!" Bulalas ni Arwynn. Tama nga siya ang nakababatang kapatid ang kanyang bisita. Alam niya kasing pababalikin na ito ng ama upang humalili sa kanyang posisyon sa Metro Manila branches ng kanilang hotel para makapag-focus na muna siya sa nalalapit niyang kasal at sa magiging unang mga buwan ng buhay may asawa. Alam din niyang kapag nalaman ng kapatid ang kanyang planong pagpapakasal ay hindi ito mag-aatubiling puntahan siya. Dito niya sinabi ang kanyang naisip na wedding proposal at nakatanggap siya ng "corny" na komento.
"Sabi na eh!" Tugon niya saka tumayo upang salubungin ito. Mahigpit silang nagyakap. Ilang buwan ding hindi umuwi ang kanilang bunso kaya na-miss niya ito. Isang dahilan lang ang alam niya kung bakit hindi nito naisipang umuwi- nakabiktima na naman ito ng mga babae kahit sa probinsya at nag-enjoy.
Saka ito umalis sa pagkakayapos nila upang siya'y kamayan. "Congrats kuya!" Binalingan din nito si Sarah. "Sarah congrats ah!"
"Thanks bro!"
"Thank you Arwynn." Nagpasalamat din si Sarah.
"Pero kuya ah hindi ko inasahan na gagawin mo talaga yung naging proposal mo." Napangisi ang kanyang kapatid. Muli niyang nakita ang mapang-anas nitong mukha.
"All for love bro. Magagawa mo rin yan kapag nagmahal ka na." Saka niya tinapik ang balikat nito.
Una'y ngiti lang hanggang sa hindi na nakapagpigil pa ng tawa si Arwynn. "Kuya naman living the corny life na talaga? Noon alam kong mahal na mahal mo si Sarah but you're not that corny."
"Ganon talaga bro. Habang minamahal ko siya ng minamahal pa-corny rin ng pa-corny. Ang mahalaga kasi masaya siya at yun na rin ang magiging kasiyahan mo." Saka siya lumapit kay Sarah. Inakbayan ito at hinagkan sa mga labi. "Right my love?"
"Very right. Kaming mga babae kasi mas mahalig sa mga corny na bagay. Kapag nasakyan yon ng isang lalaki at in-enjoy niya na rin ibig sabihin mahal niya yung babae. Kasi willing na siyang gawin ang lahat para rito including those ka-corny-han." Tugon ng kanyang kasintahan. She was looking at him with so much love. Ilang saglit pa'y binaling naman ng babae ang tingin kay Arwynn. "Kaya ikaw Arwynn promise kapag na-in love ka magiging corny ka na rin. Hindi lang puro s*x ang isang relasyon. Women deserve better than that. We deserve to be loved."
Natahimik nalang ang kapatid ni Ardel. Ito na yung oras kung saan gusto niya ring ma-realize ni Arwynn na magtino na sa buhay at sa pakikipagrelasyon. Bagay na napagtanto na niya at naging masaya siya sa naging mga desisyon lalo na ngayong lalagay na siya sa tahimik katuwang ang babaeng kanyang pinakamamahal.
.....
Kinabukasan ay agad na nagsimula ang transition ng Paradise Suites mula kay Ardel patungo kay Arwynn. Medyo tinanghali si Ardel dahil hinatid na muna niya si Sarah sa wedding coordinator nila. Pagdating naman niya ng hotel nila sa may Ortigas kung saan siya nag-oopisina ay agad siyang sinalubong ni Ericson para i-dicuss ang maraming bagay tungkol sa transition.
"Nandito na ba si Arwynn? I'm late dapat siya hindi." After a couple of discussion nang makasakay sila ng elevator ay naalala niya ang kapatid.
"Late din siya pero nandito na siya. Alam ko nasa office mo na siya eh." Tugon ni Ericson.
"Good."
"Sure ka na ba sa pagpapakasal mo?" Biglang tanong nito sa kanya. Napatingin tuloy siya sa kaibigan. Kitang-kita niya ang hindi maipaliwanag na lungkot sa mga mata nito. Lubha niyang pinagtakhan ang itsura nito.
"Anong klaseng tanong yan Eric?"
"Masaya lang ako para sayo Ardel!" Biglang nagbago ang awra nito sa kanyang nakita ilang segundo palang ang nagdaan. Inakbayan pa siya nito.
"Alam mo Eric, I'm the happiest man. I'm about to marry the best woman on Earth. Bilang kaibigan ko alam kong saksi ka kung gaano ako kasaya at ka-inlove kay Sarah." His lips automatically smiled as he recalled Sarah. Instant happiness ang epekto ng babae sa kanya.
"Oo naman. Nakita ko lahat..." tugon ni Ericson bago pa man magbukas ang elevator.
Sa labas ng kanyang opisina sa penthouse ng hotel ay umalingangaw ang isang malakas na ungol ng lalaki.
"Oooooooh yeah!"
"Sh*t", naibulong niya sa sarili. Isa lang naman ang pwedeng gumawa ng kababuyan sa loob ng kanyang opisina. Walang iba kundi ang kanyang kapatid na si Arwynn.
Pagbukas ni Ardel ng pinto ay nagsasarado na ng zipper ang kapatid. Ang kanyang sekretarya naman na si Joane ay nagpupunas ng bibig at kamay gamit ang tissue.
"Good morning bro!" Pagbati sa kanya ng magaling niyang kapatid.
Hindi niya muna ito pinansin. Ang babae ang kanyang binalingan. "Joane magmula ngayon ay ikaw na muna ang magiging secretary ni daddy sa Paradise Suite BGC. Dito sa Ortigas ang magiging secretary ni Arwynn ay si Eric. In short palit na muna kayo. Nakahanda na ang driver sa baba para ihatid ka."
"Okay po Sir Ardel." Saka agad na lumabas ang babae na namumula sa hiya.
"Bakit naman may switching ng secretaries bro?" Angal ni Arwynn.
"Idea yan ni dad. At tinatanong mo talaga kung bakit? Hindi pa ba sapat na dahilan yung inabutan namin? Kung nasaang lugar ka for sure mabababoy yung lugar." Tugon niya rito saka umupo sa kanyang mesa.
"Wala kayong inabutan. Binilisan kaya namin. Usap-usapan yang bakat mo rito kuya pero wala ka man lang babaeng pinagbigyan." Natatawang tugon nito.
"Enough of that bro." Serious mode na si Ardel. Kahit kanino ay istrikto siya kapag nasa trabaho na. "Si Eric ang magiging secretary mo for you to focus. Hindi mo kami pwedeng mabigo. Kailangang masanay ka na sa mas mabibigat na responsibilidad. There are a lot if pressure here in Manila compared in Pampanga. Temptations should never interfere." Pangangaral niya sa kapatid.
"Alam mo kuya mas matindi ka talaga kay dad." He saw him gulped in front of him.
"So pano? Let's start the transition."
.....
Unang araw palang ng transition ay sumasakit na ang ulo ni Arwynn. Makakapag-relax lang siya kapag nakakuha ng ligaya ang isa pa niyang ulo pero mukhang imposible iyon. Puno ang schedule niya sa mga darating na araw at linggo. Marami siyang kailangang malaman at pag-aralan sa pasikut-sikot ng negosyo nila sa Maynila. Hindi lang naman ang Ortigas branch ang hawak niya maging ang Eastwood, Ayala at BGC branch kung saan nagoopisina ang ama ay nasa pangangalaga niya. No s*x for Arwynn. It was a sad life.
"Di ko kakayanin to Eric ng walang s*x. Pagod na ako pag-uwi. Gusto ko may energy pa ako para yung performance ko maka-satisfy ng girls." Bulong niya kay Ericson habang pinapakita nito ang ilang dokumento. Nakatitig lang ito sa kanya at hindi maalis ang tingin. "Eric okay ka lang ba?"
"Huh? Oo naman!" Gulat na tugon nito.
"Kapag may nakita kang sexy chic dito sa hotel na sa tingin mo bet ako dalhin mo dito ah." Hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng babae kahit na abala.
"Lahat naman siguro bet ka Arwynn." Nakangiting saad nito.
Nilahad niya ang kamay para makapag-apir sila. "Yan ang gusto ko sayo Eric eh. Nasasakyan mo ang kayabangan ko at ang hilig ko sa mga babae. Sayang naman kasi di ba kung hindi ko gagamitin ang charm ko."
"Totoo yan. Pero sa ngayon magtrabaho nalang muna tayo. Kailangang masunod natin ang timeline na binigay ni Sir Arwynn, ng daddy mo. Kalimutan mo na muna ang mga babaeng yan. I-iba nalang muna ang isipin mo." He paused. Tila may iba itong gustong sabihin. "Trabaho na muna."
"Grabe ilalaglag mo rin pala ako." Saka siya biglang may naisip. "Siya nga pala Eric dahil magiging busy ako. Pwedeng bang ikaw na ang mag-organize ng Stug party for kuya? Gusto ko kasi siyang isurpresa eh."
Isang malawak na ngiti ang unang puminta sa mga labi ni Ericson. "Walang problema! What do you want with the party?"
"Basta gusto ko yung girls magaganda at sexy at game na makipag-s*x after. Maraming drinks at lahat ng barkada namin ni kuya ay nandon para naman maging masaya siya."
"Noted yan."
Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo nalang at kasal na nila Ardel at Sarah. Halos kasado na ang lahat para sa wedding event of the year. Pero bago yon ay sabay na nagaganap ang stug party at bridal shower sa magkaibang lugar. Ang pinaayos na stug party ni Arwynn ay sa luxurious poolside ng Paradise Suite Ayala gaganapin. Walang kaalam-alam ang kanyang kuya sa magaganap. Sapilitan niya itong pinapunta.
"Surprise!" Bungad nilang lahat ng mga pamilya at kaibigang lalaki ni Ardel nang dumating ito. Isang oras din itong late at akala nila ay hindi na darating.
Si Arwynn ang unang lumapit dito. "Sa dami ng reason na binigay ko sayo pumunta ka lang dito akala ko ay iindianin mo pa rin kami eh."
"Sorry bro nakatulog kasi ako." Tila balisa ito. "Napaginipan ko na naman kasi yung madugong panaginip ko. Parang totoo talaga. Hindi maalis sa isip ko."
"Kuya naman oh. Party mo to oh. Party to. Nandito tayo para mag-enjoy! Bago ka pa magkaroon ng asawa inenjoy nalang natin ang pagiging binata mo ngayong gabi. Wag mo ngang pinag-iiisip yang mga panaginip na yan. Cheer up!"
Sa isang banda ay hindi nila napapansin ang matang nakamasid sa kanila.