Chapter Sixteen Agad na dinampot ni Sarah ang nakitang bagong kahapon. Nagpadala na naman ng pagbabanta kung sino man ang kanilang kaaway. Sa pagkakataong ito ay para sa kanya ang regalo nito. Isang kahon na may lamang puso ng kung anumang hayop. Puno iyon ng sariwang dugo. "Hayop. Kung sino ka man, hayop ka", bulong niya habang papalapit sa pinakamalapit na basurahan. Bago niya iyon mahagis sa basurahan ay napansin niyang may papel na nakalagay sa loob ng kahon. Kinuha niya iyon ay binasa ang nakasulat. Puso sa puso. Ako mismo ang dudukot sa puso mo. Hindi mo mapipigilan ang mga plano ko. Sisirain ko kayo. Napalunok si Sarah. Pinaghalong takot at galit ang kanyang naramdaman. Saka niya itinuloy ang pagtapon sa kahon. Iniwan niya ang sulat. Itinupi niya iyon ng maayos saka ibinulsa.

