Cherry Nandito kami ngayon sa hospital at naglalakad-lakad dahil anumang oras ay pwede na akong manganak. Kasama ko sina Jethro, Jax at Papa Owen. Kanina kasi ay dapat check-up lang ang mangyayari dahil ang alam namin next week pa ang aking due, pero nagulat ako nang sabihin ng doctor na malapit na raw akong mag-labor. Sa aking paglalakad ay natatawa akong napapasulyap sa aking asawa. Paano kasi tuwing dumadako ang aking paningin sa kanya ay nagsasalita siya ng mag-isa. Putting-puti ang kanyang mukha na parang wala na siyang dugo. Puti na nga siya ay mas lalo pa siyang pumuti sa kaba. Lumapit ako sa kanya at ako ang nagulat sa kanyang reaksyon. Napatayo siya at kinakabahang nagtanong kung manganganak na raw baa ko. “Jethro, ano ka ba? Mapapaanak ako sa ginagawa mo e. Mag-relax ka nga l
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


