Totally lost for word, yan ang naramdaman ni Ellis sa nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Rick. Kahit na nang hilain siya nang ina para ipakilala sa mga bisita ay panay parin ang tanaw sa paligid kung nasaan ito. She wanted to clear things to him At ano ang hinihingi nito ng apology in advance. Hindi napagtuunan ng pansin ang tungkol doon kanina dahil na-distract siya ng paghalik nito sa bumbunan na gusto niyang isiping likha lang ng imahinasyon. "I heard you are studying in Harvard, what course are you taking?" Pero wala sa kaharap ang atensyon at nasundan ng tanaw ang pamilyar na bulto ng isang lalaki habang yakag ang isang bisitang babae. Agad kinain ng panibugho ang puso at hindi na nagdalawang isip na mag-excuse sa kausap at iniwan ito. Nakipagsiksikan siya sa mga bisita at sin

