"Wala nabang ibibilis ito Rin?" May pagkainip na tanong kay Rick. "Huwag kang mainip loverboy. This is an interesting place. Mukhang may fans ang ating matipunong Don. At may mga nalalaman pa akong sobrang nakakagulat. This will change the game." "Ano ang mga yan?" Curious na muling tanong. Ang tanging nakikita lang kasi niya sa screen ang ay salitang downloading at ang pag-andar ng files na dahan-dahang nagta-transfer. "Sasabihin ko rin sayo, huwag kang mag-alala." "Baka makahalata ang mga kasamahan ko. Mukhang mainit sa akin ang isa dahil bago ako." "Buwan-buwan ginagawa ng mga yan ang trabaho na yan kaya paniguradong alam nila kung ano ang mga restricted areas na hindi pwedeng pasukin. Normal lang na mag-ingat sila. And no, wala ng mas ibibilis pa ito. Patience, loverboy. Bakit

