KINABUKASAN maaga akong nagising dahil sa ingay ng alarm clock ko. Tuwing umaga ito na ang gumigising sa akin. Kung dati kahit anong oras pwede akong gumising ngayon alas sais pa lang ay gumigising na ako. Tumayo na ako, at inayos ang pinaghigaan ko. at saka na ako nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa banyo ng matapos ako. Nagbihis na ako ng office attire at naglagay ako ng light make-up. Nang matapos na ako sa pag-aayos ay bumaba na ako para mag-almusal, Nadatnan ko roon si mommy at daddy na nag-aalmusal. “Good morning mom and dad,” batik o sa kanila, at saka ako humalik sa pisngi nilang dalawa. Pagkatapos ay naupo na ako upang sumabay na kumain sa kanila. Habang kumakain kami ay biglang nagtanong si Daddy. “Kamusta ka naman anak? Kaya mo pa baa ng paghan

