HINDI ko alam kung gaano ako katagal na natutulog. Pagmulat ng mata ko, kita ko agad ang kylay putting paligid. Nasa isang silid ako, at nakita ko roon si mommy at daddy. Nagtaka ako kung bakit sila narito, bigla kong naalala ang nangyari kaya naman agad kong tinanong kong nasaan si Sharlotte. “Mom, nasaan po si Sharlotte?” tanong ko sa kanila. Uupo na sana ako sa kamang kinahihigaan ko ng bigla akong mapadaing sa sakit sa bandang tiyan ko. “Hanggang dito ba naman yung babae pa rin na iyon ang iniisip ko. Siya na nga ang may kasalanan kaya ka nandito sa hospital ngayon,” galit na sabi sa akin ni mommy. Si daddy naman ay nasa likuran lang nito, at nakatingin sa akin. Wala kasi kaming laban kapag nagbunganga na si Mommy. “Mom, okay naman po ako.” sabi ko sa kaniya, at saka ito lumapit sa

