SINABIHAN ako ni Drake na kung maaari ay samahan ko siya na maghapunan sa kaniyang malaking tahanan. Dahil wala si Sandra ay nagpatulong ako kay Mae na pumunta ng palengke. Mabuti at kahit malapit ng magdilim ay nagawan pa rin namin ng paraan upang makakuha kami ng mga fresh na sangkap. Naisipan ko na magluto ng puno ng pagmamahal. Sa tagal ko na rin nakatira sa tabi ng dagat, marami na akong seafood dishes na natutunang lutuin. “Oh, ikaw na ang bahala diyan Kim ha? Alam mo naman na may date ako ngayon,” paalam niya naman sa akin. “Oo na, enjoy ka sa date mo.” Bumalik na muna ako sa bahay at saka na sinimulan ang aking pagluluto. Magluluto ako ng ginataang hipon ngayon, marinated crab, at saka ang paborito na sweet and sour na isda ni Drake. Ewan ko lang kung hindi niya pa ako pakakasal

