PARA akong timang na nakahawak sa pisngi ko hanggang sa makapasok ako ng pinto. Nang makasalubong ako ni Nicole sa sala ay tinanong ako nito. “Anong nangyari sa iyo ba’t para kang sinapian diyan?” tanong nito sa akin at saka ako pinakatitigan na parang sinusuri. “Kasi…ano,” hindi pa rin kasi nagsisink in sa akin ang nangyari na sa hindi ko malaman na dahilan. Para saan ang halik na iyon? Bakit niya ako hinalikan? Maraming katanungan na pumapasok sa isip ko kaya naman hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin nito. “HOY!” sigaw ni Nicole kaya napatalon ako sa gulat, at doon ko lang naibaling sa kaniya ang tingin ko. “Ano ba ba’t ka sumisigaw ang sakit pa naman sa tenga ng boses mo,” sermon ko rito. Napakalakas kasi ng boses nito na napakaliit kaya naman sa tuwing sumisigaw ito ay parang s

