MATAPOS ang nangyari kahapon ay hindi ako nakatulog ng maayos, dahil takot ako na maulit iyon. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko no’n at kung may tutulong pa sa akin pag nagkataon. Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Drake no’n kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil naroon siya para iligtas ako. Hindi ko naitanong sa kniya kahapon kung bakit siya napadaan doon. Pero ayoko ng isipin iyon dahil gusto ko ng makalimutan ang nakakatakot na nangyari sa akin kahapon. Buti na lang ngayon ay wala akong pasok kaya naman makakapagpahinga ako ng mabuti. Tanghali na ako ng maging paglabas ko ng kwarto ay sakto naman nakasalubong ko si Manang. “Good morning po Manang,” nakangiting batik o sa kaniya. “Magandang umaga hija, ayos na lang baa ng pakiramdam mo?” tanong nito sa a

