ILANG araw na gumugulo sa isip ko ang mga impormasyon na nalaman ko galing sa lalaking nakausap namin noong nakaraang araw. May isa pa itong kasamahan sa trabaho na nakakita sa anak ni Mr. Kim na si Sharlotte Kim pati na rin sa nakasama nito noong araw na lumuwas ito patungo dito sa Cebu. Kaya naman lagi koi tong kasama sa tuwing nakakatanggap ako ng report kong saan huling nakita ang dalawa para mapadali ang trabaho ko. Naging busy na rin ang sa paghahanap kay Sharlotte dahil kinakailangan ko na siyang makita sa madaling panahon dahil nalalapit ang kaniyang kasal. Kahit gaano pa ako kabusy sa trabaho ko ay hindi ko pa rin hinahayaan na mawalan ako ng time kay Kim. Napaka-importante nito sa akin. Siya ang nagbibigay ng kasiyahan sa akin ngayon. Hindi ko inasahan na siya ang babaeng magp

