HINDI ko alam kung bakit ganito ang mood ni Drake ngayon. Tahimik lang ito at hindi masyadong nasasalita. Sa tuwing kakausapin ko lang ito sasagot lamang siya pagkatapos non ay hindi na magsasalita. Minsan talaga hindi ko alam kung may toyo sa utak itong lalaki na ito, dahil bigla na lang akong hindi kakausapin at minsan naman ang sungit-sungit nito sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama. Pasalamat lang talaga aoya dahil gwapo siya, at kung hindi ay kanina ko pa 'to kinutusan. Kaya naman naglaro na lang ako sa phone ko nang nasa biyahe na kami hanggang sa makauwi ako ay hindi pa rin ito kumikibo kaya naman hindi ko na lang siya pinansin at iniwan siya doon. Naiinis na ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong problema niya, at hindi niya ako kinakausap. Bahala nga siya sa b

