CHAPTER 50: ZEPHANIAH Madilim na ang paligid, pero ito ang perpektong pagkakataon para puntahan ang isang importanteng tao para kay Zephaniah. Nanginginig ang paa niya, halos gusto niyang masuka, at kung ano-ano na ang naglalarong tanong sa isipan niya habang palapit siya nang palapit sa puntod ni Xenon. At nang mabasa niya ang pangalan nito, tuluyan siyang humagulgol sa pag-iyak. Napaupo siya sa tindi ng hirap na nararamdaman niya. Wala siyang pakialam kung gaano kalakas ang hagulgol niya kahit pa marinig ng kahit na sino ang pagsigaw niya. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit at galit sa pamamagitan ng pag-iyak na iyon. Naikuyom niya ang kanyang kamao, halos mawalan siya ng pakiramdam dahil sa tindi ng pagsara ng kanyang kamay. Tila nawala siya sa kanyang sarili nang paghahampasin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


