CHAPTER 48: CLASH Patuloy ang paghaharap ni Zephaniah at ng mga tauhan ni Xander sa loob ng kuta. Sa dami ng mga miyembrong pumoprotekta sa kanya ay hindi siya magawang lapitan ng dalaga. Nakatayo lang ito sa isang sulok at pinapanood ang nagaganap na laban. Tila tiwala siyang mapapatay niya ang leader ng Poison Blade ngayong gabi. Halos wala nang lakas si Zeph para lumaban, ilag kasi ang madalas niyang gawin dahil sa takot na baka isa sa mga kaharap niya ang makahiwa sa kanyang balat ng dagger na may lason. Wala siyang maisip na paraan para makatakas o makalabas manlang ng kuta dahil lahat ng miyembro ay nakakalat sa paligid ng lobby. Napansin din niyang hinaharangan ang pinto para hindi talaga siya makalabas. Alam naman ng dalaga na balak talaga siyang patayin ni Xander, pero hindi

