CHAPTER 24: SIBLINGS
Rox's POV
Tuluyan na kaming pumayag sa gusto ni Salazar na huwag kaming magpapakita ulit dito sa kuta, inisip ko na lang na para na rin ito sa ikatatahimik ng lahat. Mas ayos na sa aking ito ang maging parusa namin kaysa itiwalag nila kami.
Kahit galit si Salazar sa ginawa namin ni Ranz, masaya pa rin ako na pinayagan niya kaming pumasok sa loob kahit sandali para kunin ang ilang gamit namin doon. Pero nilinaw ko sa kanya na kahit kinuha namin ang gamit namin ay hindi ibig sabihin nito ay habangbuhay na ang pag-alis namin...dahil kapag naayos na lahat ng problema, babalik kami rito.
Pagkatapos namin ligpitin ang mga gamit namin ay magkakasama kaming tatlo na umalis sa kuta ng Poison Blade.
"You can tambay naman sa base ng Dark Spade if you want, huwag n'yo masyado isipin ang nonsense na punishment sa inyo."
Iyon ang paalala sa amin ni Mace bago niya kami iwang dalawa ni Ranz. Iba kasi ang way niya pauwi, tapos ako naman ay ihahatid pa ng boyfriend ko.
Gabi na at wala nang mga taong naglalagalag sa paligid, maaga talagang natatahimik ang lugar namin. Palibhasa ay talamak ang mga Street Fighterts dito at ayaw nilang madamay sa anomang gulo. Uso rin kasi ang napapatay dahil napagkakamalan na siya 'yung kaaway nila.
Poste ng ilaw ang nagsilbing liwanag namin sa daan. Gumagala ang mata ko sa paligid dahil kapag ganitong tahimik, nakakabahala. Feeling ko may mata pa ring nakatingin sa amin.
Pero nabaling ang tingin ko kay Ranz nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Kahit medyo madilim ay nginitian ko pa rin siya dahil napagaan niya na naman ang loob ko.
"Sorry."
Napalunok ako nang basagin ni Ranz ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami hindi nagkikibuan.
"Sorry for my failure as—"
"Hal, kung meron man dapat humingi ng tawad...'diba dapat ang Street Ninja 'yon? Pareho lang tayong biktima ng kasamaan nila, kaya hindi ikaw ang dapat mag-sorry."
Hindi ko alam kung saan hinugot ni Ranz ang ideyang sisihin ang sarili niya na humantong ang lahat sa napalayas kami. Sino ba may gustong mangyari sa amin ito?
Paglingon ko sa kanya ay nakayuko lang siya at hindi na ako sinagot, halatang lungkot na lungkot siya.
"Gusto mo bang sa bahay na matulog?"
Agad niya akong nilingon, gusto kong matawa kasi huling-huli ko ang kiliti niya. Hindi ko siya tiningnan pabalik kasi ayokong ipahalata na natatawa ako sa kanya. Napansin ko lang ang paglingon niya sa peripheral vision ko.
"Talaga?" halata ko sa boses niya na nakangiti siya kahit hindi ko siya lingunin.
Natawa ako ng mahina nang yakapin niya 'ko. "Ranz ano ba, nasa kalsada tayo!" saway ko nang maramdaman ko ang paghalik niya sa batok ko.
Hanggang sa makauwi at makapasok kami sa loob ng bahay ay hindi ako tinigilan ni Ranz sa pangingiliti niya sa akin.
"Aba, nagkakasayahan yata kayo. Iyan ba ang napalayas sa sariling kuta?"
Agad na naglaho ang ngiti at kilig sa labi ko. Napalitan ito ng hiya nang biglang bumukas ang ilaw sa may sala ng bahay ko at bumugad doon ang nakatayo at nakahalukipkip na si kuya Kris.
Ramdam ko ang pagbitiw ni Ranz sa pagkakayakap sa akin at napansin ko rin ang pagtayo niya ng matuwid. Tiyak na gaya ko ay gulat na gulat din siya kasi nakita kami ni kuya na naglalandian.
"Kuya! Anong ginagawa mo rito?!" agad kong tanong. Nilapitan ko siya ng bahagya para sana awayin pero sa tingin niya sa akin ngayon na salubong ang mga kilay at seryoso ang mga mata, palagay ko ay hindi uubra ang galit-galitan ko.
"Bakit? Bawal ba 'kong pumunta sa bahay ng kapatid ko?" Nakatingin siya sa akin habang nagsasalita, pero pagkatapos niyang magsalita ay masama ang naging tingin niya kay Ranz.
Napakamot ako sa ulo, bakit ang wrong timing ng kapatid ko?!
"Hindi naman, ang sa akin lang...bakit hindi ka muna tumawag?" tanong ko.
Tinitigan ako ni kuya ng ilang segundo, akala ko ay sasagutin niya ako pero kumunot na lang ang noo ko nang mag-iwas siya ng tingin.
Alam ko na kapag ganito siyang hindi umiimik, tiyak na may problema ito. Hindi siya susugod dito sa bahay nang walang pasabi kung naisipan niya lang pumunta, kilala ko si kuya at hindi niya kailaman pinakialaman ang katahimikan ko ng walang matibay na rason.
"Okay, ganito na lang...order na lang ako pagkain at sabay na tayong mag-dinner na tatlo!" sabi ko sa pinakamasayang boses na kaya ko habang nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Biglang nagpameywang si kuya at muling tumingin sa boyfriend ko na hanggang ngayon ay nasa tabi pa rin ng pintuan at hindi manlang yata siya gumalaw doon. "Kasabay pa natin siyang kakain? Hindi pa ba 'yan uuwi?" ani kuya.
Napapikit ako, hindi ko na-imagine na magsusungit ng ganito si kuya kay Ranz. Samantalang dati naman silang magkasama sa iisang gang. "Kuya naman, eh!"
"Roxanne, maghapon na kayong magkasama. Hanggang dito ba naman sa bahay, siya pa rin kasama mo? Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ng lalaking 'yan?"
Asar na asar akong tumingin kay kuya na may maitim at nanlilisik na mata. Pero imbes na bawiin ang sinabi niya, pinandilatan niya lang ako ang mata na para bang sinasabi niya na paaalisin ko na ang boyfriend ko.
Napabuntong hininga ako pagtalikod ko sa kanya. "Palibhasa walang lovelife kaya hindi alam ang feeling ng in love," bulong ko habang naglalakad palapit kay Ranz.
"May sinasabi ka pa yata, eh?!"
"Wala!" sagot ko na lang.
Inanyayahan ko si Ranz palabas ng pinto at inihatid ko siya hanggang sa gate. "Sorry, Hal. May epal, eh," sabi ko na lang.
"Ayos lang, bisita na lang ako ulit sa susunod," ani Ranz habang nakangiti sa akin.
Ngumiti rin ako sa kanya. "Okay!"
Nasa punto na sana kami na maglalapat na ang mga labi namin, pero naudlot iyon dahil sa isang sigaw. "Roxanne! Nasaan na 'yung pagkain? Pumasok ka na nga rito!"
Wala na akong nagawa kundi halikan na lang ng mabilis si Ranz saka padabog na pumasok sa loob ng bahay.
***
Asar na asar ako nang ayain ako ni kuya na mag-movie marathon pagkatapos namin kumain. Hindi ko na tuloy alam kung tunay ba 'yung naiisip ko kanina na may problema siya o sadyang gusto niya lang talaga mang-trip.
Pagbukas niya ng TV ay para siyang bata na naupo sa sahig at tuwang-tuwa sa pinapanood niya. Habang ako ay nakaupo sa sofa, hawak ang cellphone, at ka-chat si Ranz. Kung alam lang ni kuya kung gaano kami kalungkot na dalawa dahil sa biglaang paglitaw niya, naku.
Habang nag ta-type ako ng rants ko tungkol sa nangyari ay napahinto ako nang marinig ko ang tanong ni kuya sa akin, "Ganoon ba talaga kapag hindi ka puwedeng mahalin ng taong mahal mo, masakit?"
S-in-end ko ang message kay Ranz at mabilis akong nagtipa ng: "Wait lang, nagsisimula nang magdrama si kuya. BRB."
"Gusto mo ba, bumili ako ng beer?" tanong ko.
"Magkukwento naman ako kahitt wala 'yon."
Hindi na ako sumagot, inilapag ko sa mesa ang cellphone ko para ipakita sa kanya na handa na akong makinig sa kung anong ikukuwento niya. Tapos ay umayos ako sa pagkakaupo.
"Hindi ko lang matanggap na pagkatapos ng halos dalawang taon na pagtatago ko sa nararamdaman ko...hanggang sa may nangyari na nga sa amin...at heto, nagawa ko nang isiwalat sa kanya na mahal ko siya...hindi niya naman pala ako kayang mahalin."
Napalunok ako sa simula ng pananalita ni kuya, kilala ko ang babaeng tinutukoy niya. Dahil noon pa ay sinabi niya sa akin na may gusto siya kay Mace. Iyon nga lang ay natotorpe siya umamin dahil kay Claude na best friend niya at kakambal ng babaeng gusto niya. Ayaw niyang magkaroon silang tatlo ng issue dahil sa pansarili niyang interes.
Noon ko pa siya sinasabihan na wala namang masama kung aamin siya ng tapat sa kaibigan ko tungkol sa feelings niya. Lalo na nu'ng ikinuwento niya sa akin na may nangyari raw sa kanila ng isang gabi. Sabi ko nga, perfect timing iyon kasi may mga babaeng nag-aalala tungkol sa virginity nila. Kapag umamin siya, tiyak na makukumbinsi niya si Mace na tanggapin siya dahil sa nangyari and later on...mahuhulog na rin ito sa kanya.
Pero kahit anong advice ang sabihin ko sa kanya dati, wala siyang sinunod. Nanatili pa rin siyang walang imik at tahimik lang na nagbabantay sa babaeng gusto niya. Para siyang guwardiya kung bakuran niya si Mace, huwag lang itong maligawan. Ayaw niya namang dumiskarte.
Sa totoo lang, kahit malungkot ang pagkakasabi niya...masaya pa rin akong malaman na kahit papaano ay nagawa na niyang umamin ng feelings niya.
"Kuya, kaya nga naimbento ang ligaw, eh. Suyuin mo naman kasi," sagot ko sa kanya.
"Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para sa kanya?"
Napairap ako sa hangin dahil sa tanong niya. Mabuti na lang at kahit magka-usap kami, sa TV pa rin siya nakaharap at nakatalikod siya sa akin. Malaya ako makakapag-make face kapag nairita ko sa arte niya.
"Kuya iba 'yong mga ginawa mo sa sinasabi kong panliligaw. Iyon kasing ginawa mo ay example ng good deeds. Ang point ko naman ay gumawa ka ng bagay ka maipaparamdam mo sa kanya na totoong mahal mo siya. Like, bilhan mo siya flowers, chocolates, gifts, at kung anong bagay na gusto niya. Ganoon ang panliligaw."
"Bakit ko pa 'yan gagawin kung sinabi niya nang hindi niya ako mahal?"
"Kailan niya ba sinabi?"
"Kanina. Kaya nga ngayon ako nagpunta rito, eh."
Napaawang ang bibig ko sa naging sagot sa akin ni kuya. Kung kanina lang niya tinanggihan si kuya, ibig sabihin...
"Kuya hindi totoo na hindi ka niya mahal," sagot ko.
Sa puntong ito ay napalingon siya sa akin. "Paano mo naman 'yan nasiguro?"
"Hulaan ko, sa chat ka umamin, 'diba?"
"Oo. Paano mo nalaman?"
"Nagkita kami kanina, iyon 'yung time na sinugod namin siya dahil sa panggugulo ni Xander sa amin."
"Xander? Gulo? Anong nangyari?"
Napapikit na naman ako. Kuya ko ba talaga ang lalaking ito?!
"Basta! Ikukwento ko sa 'yo mamaya. Listen to me, first! Nag-no siya sa 'yo kasi may posibilidad na may personal siyang rason o may inaalala siyang maaring mangyari kapag tinanggap ka niya. Ganoon ang isip ng mga babae, overthinker. Kaya kung ako sa 'yo, hindi ako titigil sa panliligaw sa kanya."
Biglang yumuko si kuya, hindi ko alam kung nag-iisip na ba siya kaagad ng way para mapansin siya ni Mace o ayaw niya sa suhestiyon ko.
"Si Claude. Siya lang naman ang maaring rason bakit ayaw niya 'kong tanggapin."
Hindi ako kaagad nakaimik. Wala akong ideya sa maaring pumipigil kay Mace na mahalin si kuya dahil lang kay Claude. Best Friend nga niya si kuya, 'diba? Hindi ba siya magiging masaya kung magkatuluyan ang dalawang taong importante sa buhay niya?
May ilang araw ko na ring nakakasama si Mace mula nang lumapit kami sa kanya ni Ranz tungkol sa paglilinaw ng alyansa ng gang namin. Pero mula noon, hindi namin napag-usapan si kuya o nabanggit manlang. Alam kong alam ni Mace na magkapatid kami, at napakaimposible na hindi niya nasabi sa akin ang ilang bagay tungkol sa kanilang dalawa.
Iniiwasan niya bang magka-ideya ako sa usapin tungkol sa kanilang dalawa?
"Kuya, hindi naman dahil lang sa isang rason...dapat ka nang huminto, 'diba?"
Nag-angat ang tingin niya sa akin. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Si Claude Monte Claro ang pinag-uusapan natin dito! Hindi mo ba siya kilala magalit?!"
"Hindi siya over protective na kapatid gaya mo, kaya alam kong kapag kinausap mo siya ng masinsinan...papayagan nila kayong dalawa!"
Hindi na ako sinagot ni kuya, bumalik na naman sa TV ang atensyon niya.
Talagang naglabas lang siya ng sama ng loob sa akin, wala na siyang balak na pahabain pa ang usapan. Nakakainis naman, dahil lang sa issue nilang tatlo...na-postponed tuloy ang quality time namin ni Ranz!
Pero sa kabilang banda, hindi mawala sa isip ko kung bakit ayaw tanggapin ni Mace si kuya. Samantalang nang pumasok kami ni Ranz kanina sa base ng Dark Spade at naabutan namin siyang parang wala sa mood, halatang-halata naman na hindi niya rin gusto ang pagtaboy niya sa kapatid ko. Ngayon ko nakumpirma na may kung ano lang na pumipigil sa kanya. Kaya para kapatid ko, aalamin ko 'yun!
Nahihiwagaan tuloy ako ng husto sa kakambal ni Mace, hindi ko mawari kung anong ugali ang meron siya. Saka, nasaan pala ang lalakingg iyon? Bakit hindi manlang siya nagpakita sa aming gayong nagkaroon na ng gulok sa school? Hindi ba siya concern sa nangyaring p*****n ulit sa loob ng MCU?
Lalo ko siyang gustong makausap at makaharap, mailap at bihira lang humarap sa tao ang lalaking iyon. Ewan ko ba, feel niya masyado ang pagkamisteryoso niya kahit hindi naman bagay sa kanya.
Dahil hindi na muling nagsalita si kuya, kinuha ko na ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Saka ako tumayo at pumunta na sa kwarto. Dito ko na lang itutuloy ang pakikipag-usap sa boyfried ko, puno kasi ng bad vibes ang sala dahil sa kapatid ko.
Nahiya ako sa kama at agad na kinalikot ang cellphone ko. Pagkatapos kong i-chat si Ranz ng update tungkol sa napag-usapan namin ni kuya, nakita ko naman ang conversation namin ni Zeph...
Nakaramdam na naman ako ng tampo nang makita ko na matagal na ang naging huling pag-uusap namin. Normal pa ba sa mag-best friend ang ganito?
Bigla kong naisip na posibleng magkasama sina Zeph at Claude sa lugar ng Pistol's Tribe, gusto kong isaksak sa isip ko na sasamahan niya roon ang kaibigan ko bilang pagbawi sa pagkukulang niya rito at sa pagsayang niya sa isang taon ng buhay ni Zeph sa paniniwalang tutulungan siya nito.
Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko nang magtipa ako ng mensahe para kay Zeph. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili kong i-send ang message na 'yon.
Inasahan kong ma-i-inbox zoned na naman ako dahil hindi naman nagpaparamdam ang babaeng 'yon. Pero laking gulat ko nang marinig at makita ko na may tumatawag sa akin.
Sa buong buhay ko sa MCU na nakilala ko si Zeph, ngayo niya lang ako tinawagan. Inihanda ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbangon bago sagutin ang tawag.
Napalunok ako ng ilang beses, bumilis din ang t***k ng puso ko.
At sa wakas...nagkaroon ako ng lakas ng loob na sagutin ang tawag. Agad ko itong itinapat sa tainga ko. At bago magsalita ang tao sa kabilang linya ay inunahan ko na...
"Zeph, kailangan ka na namin...lumabag kami ni Ranz sa batas mo."