CHAPTER 29: TEAMWORK Sa pag-alis nina Zeph at Michael, ang agent na kailangan nilang maihatid ng ligtas, naiwan sa makitid na eskinita sina Claude at Zed. Hindi pa man nakakalayo ang dalawang pinaalis nila ay pinaulanan na sila agad ng bala. Hirap silang gumanti ng putok dahil hindi ganoon kadami ang dalang bala ni Zed, si Claude naman ay pinulot lang ang gamit niyang baril sa tabi ng lalaking nakahandusay na nadaanan nila kaya wala rin siyang bala. "Hindi ko akalain na marunong kang humawak ng baril, bata. Akala ko ay laruan lang ang alam mong gamitin sa baril," ani Zed pagkatapos niyang magpakawala ng dalawang putok at muling makapagtago. Nakasandal siya sa pader na iyon habang katapat si Claude, hindi na magawang makabaril nito dahil alanganin na siya sa bala niya. "Walang Monte C

