-Minah's POV- Nandito naman kami ngayon sa World Of Fun. Dito kasi nila gusto at mamaya rin uuwi na kami dahil tapos na kaming mamili at nalagay na namin sa kotse para hindi haggard at hassle magdala. "Guys, basketball tayo." yaya ni Morie. Bumili muna kami ng token bago maglaro, mahirap na, sayang ang ganda kung tatanga-tanga ka. Pagkabili namin ay agad na nag-umpisa si Bekka at Morie, pataasan daw ng score at ang matatalo naman siya ang sasagot ng dinner namin, past 6 na rin kasi, kabagalan kasi mag shopping ng mga 'to. Nagsimula na sila at lahat ng tira nila ay pumapasok. Napansin ko rin na medyo marami na ang nanonood samin, buti na lang at naka-shades kami at iba ang ayos ng buhok namin para naman hindi kami masyadong mapansin ng mga fans, though may iilan talaga na nakakilala sa

