Chapter 4

1305 Words
-Minah's POV- "Dark, wake up." tiningnan ko kung sino ang kumakalabit sa akin at nakita ko si Light sa gilid ko. Nilibot ko ang aking paningin at napansin ko na nag-aalisan na ang karamihan. Mukhang tapos na ang laban. "Who win?" tanong ko, hindi ko namalayan na napahaba pala ang pag-idlip ko. "Wild Stuff." matipid na sagot ni Light. Bago ko makalimutan, kapag nasa Underground kailangan na codename ang gamitin at lahat ng gangster na bahagi nito ay may kanya-kanyang pangalan. Minah - Dark Bekka - Light Mhea - Red Rae Ahn - Gold Lorie - Silver Morie - Gray 'Yan ang codename namin para hindi kayo malito. "Let's go!" sabi ni Light. Tumayo na kami at nagpaalam kay Messiah. Pahakbang na kami ng biglang magsalita si Messiah. "Girls wait!" tawag ni Messiah. Agad naman kaming lumapit sa pwesto nya. "What?" mataray na tanong ni Gold sa kanya. "Hindi ba muna kayo magpapaalam sa mga Kings nyo?" tanong ni Messiah at nakita ko ang pag-smirked nya. "No need, we're not even close to say goodbye." I said. Like duh! Aksaya lang sa oras at laway. "Woah. Easy Dark." sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay sa ere, minsan hindi ko maiwasan na magtaka kung ano ba talaga ang motibo ni Messiah para pumasok sa ganitong desisyon. Sa dami nyang nalalaman hindi na ligtas. "Sabagay magkikita-kita din naman kayo sa UH." bulong niya pero halata naman na sinasadya niyang iparinig sa amin. So ibig sabihin sa University High din nag-aaral ang Kings. "Huh?" sagot ng isa sa kanila. Mukhang nagkamali ako slow pala mag-isip ang Kings. "What do you mean?" tanong nang pinaka-leader ng Kings. "Wala naman. Hindi pa ito ang tamang oras." sabi ni Messiah sabay ngiti. Umalis na siya pagkatapos nyang paguluhin ang isip ng mga Kings. Kung hindi pa ito ang oras bakit sinabi nya samin ang bagay na 'to. Ano bang balak niya. Ano trip lang? "Tara na, naiinip na ako." inis na saad ni Bekka. We decided na sa headquarters na lang matulog since late na at masyadong delikado sa daan. "Pa-deliver na lang kayo ng food kung kakain kayo." I said, hindi ko na sila hinintay na sumagot pa at dumiretso na sa kwarto, inaantok na ako. Masyadong maraming nangyari sa araw na 'to. -Mhea's POV- Wow naman may pag-pov agad ako. By the way nandito nga pala kami ngayon sa headquarters masyado na kasing gabi saka pagod na rin sila kahit wala naman silang ginawa. Pag-akyat ni Minah umakyat na rin 'yung apat, siguro pagod na kaya ayaw nang kumain. Ayaw nila so ako na lang kakain. Food is life kaya. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng pizza at ice cream saka bumalik sa sala para manood, hindi pa naman ako inaantok saka 10 pa lang naman. Habang nag-i-scan ng pwedeng panoorin napadpad ako sa channel na madalas panoorin ni Minah at Lorie, ma-try nga. Puro performance lang pala sa channel na 'to, nilipat ko na lang sa ibang channel at naghanap ng mga drama na pwedeng panoorin. Hindi kasi ako sanay manood ng mga performance or what, mas gusto kong manood ng sports, drama or movie lalo na 'yung romance at kapag gwapo 'yung bidang lalaki. Lahat kami ay mahilig manood ng movies lalo na nung bakasyon, movie marathon ang naging bonding namin bukod sa pagpunta sa ibang bansa. Kaso kapag nanonood kami lagi lang kaming naga-away-away, hindi kasi kami nagkakasundo kung ano ang panonoorin. Si Morie, Lorie at ako mahilig sa romance, si Rae Ahn historical ang gusto, si Minah, Bekka naman ay mystery. Aish! Wala namang magandang palabas. Pinatay ko na yung TV at hinugasan yung kinainan ko, pagkatapos ay umakyat na rin ako para matulog 12 na rin kasi mahirap na baka magka-pimples pa ako. -- What a happy day. Bumangon na ako at pumunta sa banyo para mag-shower, nakalimutan ko na may pasok pala kami ngayon. Pagkatapos mag-ready ay bumaba na ako para mag-almusal. "Good Morning everyone." masayang bati ko sa kanila. Nasa dining na sila at kumakain kaya lumapit na ako para kumain. Buti na lang maaga akong nagising dahil kung hindi baka nilayasan na ako ng mga bruhang 'to. "Good Morning." bati ni Rae Ahn at Morie. Kala ko naman deadma sila forever buti na lang may pumansin sakin. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na 'yung kinainan ko, tuwing weekends lang kasi may naglilinis dito. Nakita ko naman si Minah na nag-aayos saka isinuot ang kanyang mahiwagang salamin. "Why don't you change?" tanong ko sa kanya habang nag-aayos ng buhok. "Why would I? Dapat ba?" balik na tanong niya. Kahit kailan talaga 'to ang sungit, actually lahat sila. Pinaglihi ata sila sa sama ng loob. Buti na lang ako pinaglihi sa kagandahan. "Let's go." sabi ni Bekka, pansin nyo ba yan lagi ang line nya ang dami-dami namang pwedeng sabihin, pwede namang come on o kaya tara na. At dahil mabait akong Dyosa sumunod na lang ako, mahirap na baka maging leon 'yang mga 'yan baka lapain pa ako. Gusto ko sanang makisabay dahil tinatamad akong mag-drive kaso 'wag na baka awayin pa nila ako. After a few minutes nakarating na rin kami sa school dahil hindi naman traffic. Pinarada ko na lang ang sasakyan ko at taas noong naglakad papunta sa room. Nasa gilid ko naman sila at lahat kami taas nong naglalakad pwera na lang kay Rae Ahn na busy sa pagbabasa at si Minah na nakatungo na talaga. -Minah's POV- Habang papunta sa room hindi ko maiwasan na hindi yumuko. Makakasira lang ng araw kapag nakita ko ang pangit na mukha ng mga mapang-husga kong kaklase. Kanina nung tinanong ako ni Mhea kung bakit hindi ako magbago, nagdalawang isip ako. Hindi naman talaga ako ganito, hindi sarado ang mundo ko para sa iba. Pero kapag naaalala ko ang bangungot na yun, natatakot ako. Natatakot akong bumalik sa dati. Sa dating ako. Dahil sa pagka-spaceout ko hindi ko napansin nasa room na pala kami malapit na rin kasing mag-umpisa ang klase kaya konti na lang ang estudyante sa hallway. "Good Morning Mhea." nakangiting bati ni Bryan kay Mhea. Anong meron sa dalawang 'to. "Walang good sa morning dahil 'yang pangit na mukha mo agad ang nasilayan ko. Kaya ikaw shoo! Nakaharang ka sa upuan ko." mataray na sagot ni Mhea. "Boombasag!" sigaw naman ni Tristan. "Bwiset." pikon na saad ni Bryan. "Everyone please take your seat." 'di ko napansin nandyan na pala si prof. Nagsi-ayos naman ng upo 'yung mga estupidyante. "We'll be having a group project. Special request ng principal dahil sa nalalapit na Foundation Day." project? The hell 2nd day pa lang may project na agad. "I'll announce kung sino ang magkaka-group. By 6 lang bawat grupo and take note bawal makipagpalit ng group. That's a rule." sana ka-grupo ko sila para hindi ako mahirapan. Hindi naman sa hindi ako gumagawa pero hirap akong makipag-communicate sa mga classmate ko dahil ayaw nila akong kausapin at ayaw nila akong ka-grupo. "For group one. Alvarez, Santos, Mariano, Perez, Alajar, and Fajardo." sana naman matitino yung maging ka-group ko. "Group two. Jeon, Morie Choi, Yoo, Scott, Harison, and Jung." ayos lang naman yung ka-grupo ko pero si Ice, ayoko sa kanya dahil masyado siyang maingay at maharot dinaig pa ang 7 years old na bata. Naku, kapag ako napikon sa kanya baka maipatapon ko siya sa ilog pasig ng wala sa oras. "For third group are Park, Kwon, Hwang, Lorie Choi, Lee, and Reyes." for sure si Rae Ahn ang leader nila, saka matitino yung boys na napunta sa kanila pero sa grupo naman mukhang walang pag-asa. Mukhang nararamdaman ko na ang pagbagsak sa subject na 'to. "Please choose a leader for each group." sa-suggest ko sana na si Bekka na lang yung leader namin pero napagkaisahan na nila ako. "For the leaders I'll give you the topic so kayo na ang bahalang mag-explain sa groupmates nyo. The deadline is 2 weeks before the midterms." lumapit na ako para kunin yung topic ng grupo namin. After a little of discussion kung ano ang gagawin bumalik na ako sa upuan ko. "That's all for today. Since wala na kayong next class pwede nyo nang pag-usapan ang gagawin nyo bago kayo umuwi. Goodluck class." pagkalabas ng professor namin ay bigla naman silang nagsigawan. Ano, high school lang ang peg? Lumapit naman na 'yung mga ka-grupo ko para mapag-usapan namin yung gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD