-Minah's POV- Ang bilis ng panahon at bukas na agad ang contest na 'yun kainis. Hindi ko man lang na-enjoy 'yung mga booth. Ilang araw na rin kaming busy para sa paghahanda ng talent at hanggang ngayon puro palpak ang sinasuggest nila kaya laging nauuwi sa pagtatalo. Gustuhin ko mang umurong pero wala na, ito na, bukas na ang contest. Saka ang isang pinagtataka ko lang ay kung bakit ako pinasali ni Emily. Ano namang mapapala niya kung matalo niya ako? Kaloka rin 'yung babaeng 'yun. Kailangan ko na talagang mag-concentrate para sa contest kaso ang mga walang kwenta kong kaibigan ay nanggugulo lang. "Min..." Simula nga nung registration hanggang pag-uwi ayaw nilang humiwalay sa akin. Hindi naman ako magpapatiwakal. "Minah..." Akala mo naman mawawala ako sa paningin nila. Halos dito

