-Minah's POV- Wala naman masyadong nangyari sa akin ngayong umaga, nagdecide ako na maglakad-lakad muna. Ang bilis ng panahon second semester na at malapit na rin kaming mag-3rd year. Bell na. Lunch time. Pumunta akong library since may kanya-kanya pang business ang mga kaibigan ko. Busy pa rin sila, these past few days kasi puro photoshoot lang ginagawa nila while 'yung iba naman ay may new contract bilang actress, inalok din naman ako ng manager ko na magcover ng isang magazine pero hindi ko tinanggap. Nagbabasa lang ako ng libro rito, may mga novels kasi dito. Ito maganda sa library namin eh. Binabasa ko ngayon ay 'yung The Lucky One ni Nicholas Sparks. May pagka hopeless romantic kasi ako hindi lang halata. NBSB ako. Sino namang magkakagusto sa akin? As in 'yung totoo hindi dahil

