-Someone's POV- "Kailan mo balak simulan ang plano? Ang tagal ko nang walang ginagawa. Sabik na sabik na akong pumatay ulit." "Nalalapit na ang panahon na 'yan, pero hindi pa ngayon." sulitin na muna niya ang buhay niya. "Kung itigil na kaya natin ang plano?" singit ni Green. "'Yan ang hindi ko nais na marinig." agad niyang nilapitan si Green at sinikmuraan ito. "Aalis na ako, baka mahalata nila na wala pa ako." agad akong sumakay sa sasakyan ko at iniwan na sila. Konti na lang Minah at matitikman mo ang bagsik ko. -Minah's POV- "Minah, please don't cry." sabi niya na natataranta pa sa pagpunas ng mga luha ko sa mukha. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. "Bumalik ka na sa girlfriend mo baka hinahanap ka na niya." mahinang sabi ko. "What? Sinong girlfriend ang sinasabi mo?" bilib na

