-Minah's POV- "Shopping tayo." suggest ni Morie. Nandito kasi kami ngayon sa unit ni Rae Ahn at nagp-plano kung ano ang gagawin namin. Birthday na kasi ni Mhea sa bakasyon at one week na lang bakasyon na namin. Ang bilis ng araw parang last chapter lang birthday ko pa ngayon birthday na ni Mhea. "Lahat naman ng suggestion mo puro shopping." angal ni Lorie. "Sige nga paano kayo bibili ng damit na susuotin niyo? Don't tell me uulitin niyo yung gown na ginamit niyo nung birthday ni Minah?" sabagay may point naman siya. "'Yun nga ang balak namin." sagot ni Rae Ahn. "Yuck! So disgusting." maarteng sabi ni Morie. "Ang arte mo naman. 'Yung iba nga kung ano 'yung pambahay nila 'yun din 'yung pang party nila." sabat naman ni Lorie. "You know guys bago kayo magplano tanungin n'yo muna 'yung

