Earl Napahinga si Ninong sabay napatingin sa kanyang anak na kanina pa tahimik sabay balik sa aming dalawa. “Pasensya na kung nanggugulo ako sa inyo ng ganito. Wala na kasi kaming malapitan ng aming anak at noong maalala kita Edmundo ay nagkaroon ako ng pag-asa. Ang aking anak kasi ay umibig sa isang…drug syndicate.” Napahilot siya sa kanyang noo. “I didn’t know that he’s a drug syndicate, Dad,” sagot naman ng kanyang anak. “Kung alam ko lang ay hindi ko na sana siya inentertain pa lalo na at—” Hindi niya itinuloy ang kanyang sinabi na akin namang ikinakunot ng noo. “Lalo na at ano?” tanong ko kaya napatingin siya sa akin. Napatingin na lamang ako sa aking ama nang siya ang sumagot. “Hindi kasi lingid sa kaalaman ng lahat na ang pamilya ni Rowan ay isa sa pinaka-mayaman sa New Yor

