Dominus Lumipas ang isang buwan matapos ang nangyaring gyera sa pagitan ng OA at The True Blood ay masaya kaming nakabalik sa wakas sa dati naming gusali sa Milan, Italy. Matagal na buwan kaming hindi nakabalik dito kaya naman kailangan ng maraming pagbabago at renovation ang gagawin upang mas lalong mapatibay ang sekyuridad ng OA. At dahil magagaling na architect, engineer, at security freak ang asawa ng aking mga kaibigan ay sila ngayon ang nagdedesinyo ng buong gusali. Nananatili pa rin naman ang kapayapaan ng OA at patuloy pa rin naman sa pagsugpo ito sa mga masasamang tao. Bumalik na ring nagbukas ang ilang branches ng OA at humiling na bumalik ang mga dating assassins na nag-resign. Ang Red Scorpions pa rin pansamantala ang pinaghawak ko ng mga misyon dahil mukhang matagal pang ma

