Chapter 7

1426 Words
Balisa akong bumalik sa VIP room kung saan nagkakatuwaan na ang tatlo ko pang kaibigan. Afraid that I might spoil their night, I kept what happened to myself and joined them. Umuwi kaming sabog ni Bonie. I even vomited several times, hanggang sa makatulog ako kung saang parte ng bahay ni Bonie. Hindi ko na nga alama kung paano kami nakauwing dalawa, if she drove her car or someone drove it for us, I can't remember anymore. Maaga akong nagising at noon ko lang naalalang, baka nakabalik na si Damon sa mansion nito. s**t! Baka mapatalsik ako ng wala sa oras! Nagmadali akong kumilos kahit parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Tulog na tulog pa si Bonie so after I showered and put my disguise, I immediately wrote a note for her and left her house. Nang malapit na ako sa mansion ay naglagay ako ng konting maitim sa may mata ko, para magmukha akong puyat, in case...may mapapakita akong ebidensya kapag naggawa ako ng excuse kung bakit hindi ako nakauwi. Kabado akong pumasok at halos pagtinginan ako ng mga tauhan ni Damon. Pagkatapak ko pa lang sa entrance ay sinalubong ako agad ni Rommel, na mas kinadoble ng kaba ko. "Miss Rene, mabuti naman ay nakabalik na kayo," shocks! Mapapatalsik na ba ako? "O-oo nga po, kinailangan ko pa kasing bantayan si Tatay, andyan na po ba si Master? Galit po ba siya?" "Hindi naman Miss, pero may utos siya ng iniwan." Good! "A-Ano raw po 'yon?" "Ikaw na raw Miss ang mag-akyat ng mga gamit ni Miss Francine sa kwarto ni Master," noon ko lang napansin ang nagkalat na mga bag at maleta sa ibaba ng hagdan. "Francine? Mga gamit? B-bakit daw po kuya Rommel?" "Dito raw muna titira pansamantala si Miss Francine, Miss Rene." Shuta!? At talagang ibabahay na niya ang babaeng 'yon?! That man is getting on my nerves! He even threatened me last night! Wala akong nagawa kundi ang lapitan ang mga gamit ng makita ko si Damon na lumabas ng kaniyang kwarto. Pinanood niya akong buhatin ang mga gamit kaya ngumiti naman ako sa kaniya tulad ng madalas kong gawin. "Good morning, Master!" sinubukan kong pasiglahin ang boses ko, ngunit nanatiling blanko ang mukha niya. "After that, see me in my office," Nagulat ako sa sinabi niya ngunit binalot din ako ng pagtataka. Wala sa sariling hinakot ko ang mga gamit ni Anaconda sa kwarto ni Damon, bago marahang tinahak ang direksyon kung nasaan ang opisina niya. Naabutan ko siya roong nakatayo at nakasandal sa kanyang desk, tila hinihintay ang pagdating ko. I slowly closed the door before I stopped in front of him. "Bakit niyo ho ako pinatawag master?" Instead of giving me a response, he stares at me intently. Umayos siya ng tayo at bahagyang naglakad palapit sa akin, na bahagya kong kinahakbang paatras. "I heard you didn't go home last night?" "Ah, opo master, kasi po kinailangan kong alagaan tatay ko, pasensya na po." "You didn't ask for my permission," I hold a breath. "P-Pasensya na po—" "Not because I am letting you act the way you want; you will also do and decide on your own. You're one of my employees here, Rene. Act like one. I dislike people who always leave work without asking for my consent. Whether it is for your father or not, you should always ask permission." "Pasensya na po talaga master, hindi na po mauulit." "Of course, because next time you do it I will fire you," I bit my lip and controlled myself from rolling my eyes. "Go back to your work," I said, bowing my head and leaving him alone in his office. Shuta ka? Sa tingin mo susundin kita? Now that you are going to let that woman live here, I won't make it easy for her. I swear to Damon. Ngumisi ako habang naglalakad paalis. Tumungo ako sa kwarto para magpalit ng damit bago bumaba upang tulungan si Manang Josie na magluto. Mamaya ay babalik na sila Ate Tess, mabuti naman at ng may makakatulong na rin ako. Lunch time when Anaconda arrived, acting like she owned the house. Taas noo itong pumasok at kung pwede lang, I will really trip her nang mabawasan naman ang kayabangan niya. That money-hungry snake should know her place. "Get me a juice," baling nito sa akin. Pigil ang inis na tumungo ako ng konti bago nagsimulang maglakad patungo sa kitchen. "Wait!" Arrrgh! This is one of the reasons why it's a bad idea to have her here. "I want fresh orange juice, ayoko no'ng binili lang," Tsk! "Okay...Miss." "Anong Miss? Call me Madame! I am your future boss!" bwisit! "Yes madame!" mariin na sabi ko at kaagad nang tumungo sa kusina. I murmured a couple of words and curses, at nakita ko namang napasulyap sa akin si Manang Josie. Ginawa ko ang gusto ni Anaconda bago lumabas upang puntahan siya sa living room. Only to see her, straddling on Damon's lap and they are torridly kissing. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko, ng sandaling makita iyon. Gustong gusto ko nang ibato sa kanila ang hawak ko, kung hindi ko lang naalala na naka disguise ako.I cleared my throat to get their attention, pero hindi nila ako pinansin, kaya mas nilakasan ko pa ang pagtikhim. Kunot-noong bumitaw si Damon at lumingon sa akin. "What the f**k is wrong with you?! Nakita mo nang busy kami! Isturbo!" "Pasensya na po madame ah, sumunod lang naman po ako sa utos niyo, baka kasi pagalitan niyo ako kung hindi ko dadalahin itong pinagawa niyo, kung alam ko lang naman po na magkakagatan kayo rito hindi na po sana ako nagawa, mukhang may pumawi naman na po ng uhaw niyo," I said that sarcastically and I saw how she gritted her teeth. "Bastos ka ah! Gusto mo bang palayasin kita rito ngayon din?!" She was about to reach me when Damon held his arm to stop her. "What?! Hahayaan mo lang na ginaganon ako niyang hampas-lupa na 'yan?! No way Dame! I am your future wife, and this girl should know! When I became Damon's wife, ikaw talaga ang unang-una kong patatalsikin sa bahay na 'to! Hear me?!" "Hindi naman porket ikaw na asawa may karapatan ka nang paalisin ako, ikaw man ang asawa hindi ka pa rin ang nag-hire sa akin dito." "Rene!" napalingon ako kay Damon ng matalim niya akong tinapunan ng tingin, matapos niya akong tawagin using his deep and dangerously cold voice. "She's still your boss; respect her and do whatever she tells you. You're just a maid here, so stop being rude!" I gritted my teeth before I nodded my head. Matalim ko ring tiningnan si Damon bago sinalubong ang nangaasar na tingin ni Anaconda. I put the glass of orange juice on the mini table before I walked away. Kuyom ang kamao na pumasok ako sa kusina. Mararahas ang paghinga ko at samo't saring mura na ang pumupuno sa isip ko. Patience, Katherine. "Anong nangyari?" Manang Josie asked me, so I breathed out and looked at her. "Wala po," sagot ko sa mababang boses. "Nakipag-away ka ba kay Francine?" "Nagkasagutan lang po kami," muli kong sagot. "Hayaan mo lang siya, sundin mo lang ang inuutos niya. Gano'n talaga 'yon," Tumango lang ako. Wala naman akong magagawa dahil katulong lang ang papel ko rito. Hindi ako pwedeng gumawa ng kahit ano, dahil iniingatan kong hindi mahuli ni Damon. I will try to endure. I will try to control myself and resist. Sa buong araw na 'yon ay pakiramdam ko nagkaroon ng puwing ang mata ko na hindi mawala. Ilang beses ko silang nakikitang naghahalikan at mas naiinis ako. Matapos magluto ng dinner ay hindi ako lumabas ng kwarto. I let Ate Tess stay with them in the dining hall. Pambawi niya raw noong mga panahong ako ang gumawa ng trabaho niya. I started to remove my disguise. Nagsuot lang ako ng night robe at pinusod ang buhok ko bago tumungo sa kama. I turned my light off. It feels better than before. Mas gusto ko ang madilim kaysa may konting liwanag, hindi kasi ako nakakatulog agad. I laid my back against the bed and slowly closed my eyes. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip hanggang sa maramdaman kong tila may kung sinong humawak ng mukha ko. I was too sleepy to know who it was. Wala na rin akong panahon na isiping multo 'yon at tuluyan na akong nakatulog. "I will let you play your little game, Katherine Reiss. Let's see who will win."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD